16

1.4K 36 0
                                    

"Oh, ano kayo ngayon?! Hindi kayo makapag-reply sa akin kagabi, ah! Ano 'to teh? Biglang walang ma-say?! Biglang speechless?" Ang bungad ko kina Berna at Angelo the moment na makaupo na ako sa upuan ng 7 Eleven.

Minsan lang ako magyabang kaya talagang binonggahan ko na! May pa-hair flip pa ako habang ipinagyayabang sa kanila kung gaano ako ka-pretty kagabi. Kasi shuta naman talaga! Ang gwapo lang naman ng ka-video call kez! 'Yung ka-pretty-han ko, umabot yata sa black hole sa sobrang lala!

Hindi nila kaya!

"Alam mo, muntanga ka. Apakayabang mong hangal ka." Bernal told me with her bored eyes.

Sus! Indennial! Kunwari walang kiber pero saan ka, inggit na inggit 'yan deep inside! Insecurista 'yang isang 'yan, eh!

"Oo nga," pag-gatong pa ni Angelo na nakataas pa ang kilay, "una lang 'yan. I-go-ghost ka rin niyan kaya 'wag ka nang umasa pa."

"Ulol! Bashers bashers! 'Wag mo akong pakialamanan!" Ang pagkanta ko pa bilang pang-aasar. "Bassers! Bassers! Hinde kayu ang nagpapasaya sa aken!"

"Gagu talaga."

"Muntanga amputcha."

Bumelat na lang ako sa kanila habang ngiting-aso na tinitingnan ang mga screenshots namin ng afam ko. Patago ko nang pinaplano kung ano ang susuutin ko sa first check up ng first baby namin. Tapos ano 'yung magiging hair style ko sa first day sa school nung second baby.

Hay! Ang dame ko nang plano, ah! Afam, tuloy-tuloy na 'to! Wala nang atrasan! Napag-desisyunan ko na lahat! Char!

"Hoy, gaga! Delikado 'yang ngiti na 'yan jusko ka! Nakita ko na 'yan last year." Ang sambit naman ni Berna na ngayon ay nakabusangot na sa akin. "Alam mo naman kung ano ang ginawa sa 'yo ni Zakros nung kinabaliwan mo siya!"

Zakros . . .

I swallowed hard.

"Humagulgol ka," Berna lifted her hand and gestured his fingers as if counting, "na-depress ka. Nawalan ka nang gana sa buhay. Na...blablablablablabla..."

Berna's voice became to blurry for me to understand as I found myself diverting my cellphone to the Facebook profile of that damn Zakros . . .

Casually CruelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon