Matapos ma-post sa page ang pangmalakasan kong confession ay talagang kumapit ako, vebs! Kapit na kapit! Kasi ramdam ko na iyon na ang talaga nga namang oras para maka-usap kong muli ang soulmate ko. Na iyon na ang daan para mag-progress ang love story namin ng afam na iyon.
Pero nagkamali ako.
Imbes kasi na seryosohan ay dinogshow ako ng mga taong nag-comment sa post na iyon. Mga buwaka ng shit sila! Mga stupidivility! Mag-comment ba naman na sila daw iyon? Na kinilig din daw sila habang pinapayungan ako?! Nung tiningnan ko naman ang mga profile pictures— ay jusko! Kepapanget! Patawarin na ako ng panginoon pero ang papanget talaga!
Ewan ko ba!
Napakapanget nilang ka-bonding! Pangit na nga ang mukha, pati ba naman ang trip? Huy! Grabe ang mga ugali niyo naman for today's video!!!
"Oh, ano bakla? Anong napala mo sa Western University Confession na 'yan?" Ang pang-aalaska sa akin ng mahaderang bakla ng taon.
Ngayon ay nandito kami sa isang sikat na ice cream parlor ng lugar namin. Niyaya kasi ako dito ng bakla para daw hindi ako ma-stress masiyado pero wow, ano 'tong ginagawa niya ngayon??? Lalo niya akong ini-stress!
Ewan ko ba dito sa bading na 'to at parang laging pinag-iinitan ang lovelife ko!
"Oo na, nganga na!" Umirap ako. "Okay na ba?! Masaya ka na?!"
Ang bakla, napahagalpak pa ng tawa. Shuta, nasaan ang panghambalos?! Papasaan ko lang sa mata 'tong baklang 'to! Isa lang! Papasaan ko lang talaga ng isa!
Umirap akong muli. "Mamatay ka sana kakatawa, hinayupak ka."
"Gora! Okay lang! Worth it naman mamatay kasi ikaw ang pinagtatawanan ko." Pinaghahampas pa ako!
"Sasamain ka talaga sa akin, tigilan mo ako." Sinimangutan ko na siya.
Pero hindi siya tumigil— mali, pero wala siyang balak tumigil. Ang gago talaga ng isang 'to. Sarap ipagdasal na sana ma-inlove siya kay Marlou.
Nanatili na lang akong nakapoker-face habang nakatitig sa nakakaasiwa niyang mukha. At nang para bang napagtanto na niyang 'di ako nakiki-ride on sa mga hirit niya ay doon lang siya tumigil.
"Galit agad! Ito naman si Mare!" Sinundot niya ako sa tagiliran pero walang kurap, patuloy akong nag-poker face sa kanya.
"Kumain ka na nga lang nitong ice cream so you can chill." He told me before he put a spoonful of ice cream infront of my mouth. "Gusto mo?"
Aaminin ko, rumupok ako bigla. In fairness kasi sa baklitang ito, bukod sa gwapo na, maalaga pa. At higit sa lahat, magaling mag-lambing. Ganiyan iyan simula pa noong makilala ko last month.
Kung lalaki nga lang ito, nako. Napalaban siya sa akin— sandale. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko.
Joke lang pala.
Shuta siya!!!
"Luh, asa ka." Ang biglang sambit niya.
Noong saktong isusubo ko na sana iyong ice cream ay bigla niyang inilayo ang kutsarang plastic. Iyon ang dahilan kung bakit ko nakagat ang dila ko. Noong gumuhit ang hapdi sa akin ay talaga nga namang gusto kong kumuha ng bakal. I-he-hazing ko lang ang baklang ito!
"Pasensya na, God bless." Tawa pa rin siya nang tawa na para bang brightest idea ang ginawa niya.
Jusko, ayoko na! Parang nagbago na ang pangarap ko sa buhay, parang gusto ko na lang maging kriminal!
Pero dahil mahal ko pa ang sarili kong kalayaan, pinili ko ang pakalmahin ang sarili ko. Sinimangutan ko na lang siya. Inirapan ko pa siya nang malala bago ko siya tinalikuran.
Wala sa katinuan ang baklang ito! Papatayin ako nito sa sama ng loob! Kumukulo ang dugo sa anit, gusto kong magwala!
Padabog akong lumabas ng ice cream parlor. Nanggagalaiti akong tumakbo patungo sa direksyon ng waiting shed.
"Huy, bakla ka! Hintayin mo ako!'' Ang sigaw ni Angelo mula sa likuran ko.
"Taena ka naman, eh! Sandali nga! Hindi ka mang-iiwan dito nang basta-basta! Tanga ka yata diyan, eh?!"
Ako?
Tanga?
Ako pa talaga???
Sa mga narinig ay tila bang nagliyab ang ulo ko. Umuusok ang ilong na napaharap ako sa kanya para murahin sa iba't-ibang lengwahe.
Pero . . .
Wait . . .
Everything around us started to turn slowly when all of a sudden, my gaze went directly to the ice cream parlor we just entered a while ago.
Holy shit . . .
Totoo ba 'to?
There . . . A guy with an adonis body is standing. He is wearing a black shirt and a light shade of denim jeans. He is looking expensive with his black shades.
"Bakla . . ." Umawang ang labi ko. Halos mapunit ang damit ni Angelo sa paghila ko.
"Teka lang naman! Bakit ba? May balak ka bang hubaran ako dito sa gilid ng kalsada?!"
"Bakla . . . That's him." Napapakurap akong tinuro iyong lalaki. "He is that guy . . . that guy with the pink umbrella."

BINABASA MO ANG
Casually Cruel
Ficção GeralTanya Vergara, an underweight college girl, will do everything to meet the guy with the pink umbrella again. It was love at first sight for her and she is willing to risk it all just to meet that stranger once more- yes, even if it means humiliating...