Tanya Vergara, an underweight college girl, will do everything to meet the guy with the pink umbrella again. It was love at first sight for her and she is willing to risk it all just to meet that stranger once more- yes, even if it means humiliating...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nanlaki ang mga mata ko lalo. Shet! Help me, Lord! Siya na nga! Siya na nga si dArAytwAn_28!
Naglupasay ako sa kama. Para akong isa sa mga sinasapian sa Conjuring Movies kung makabaluktot ng katawan!
Hindi ko na kinakaya ito, shuta?! Totoo na ba talaga ito? Hindi ba 'to isang panaginip! Shuta kasi kung oo, magpapa-comatose na lang ako!
Noong maupo ako sa kama ay pinilit kong pakalmahin ang sarili. Sinampal ko pa nga ang pisngi ko na siya ko namang pinagsisihan. Masakit siya, dzai!
Nag-scroll down na lang ako sa timeline niya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Puchangina! Tawagin si Toti Marie! Dalhin ang kama sa harap namin, susunggaban ko na ang afam na ito!
Biglang namula ang mga pisngi ko nang mag-auto target ang mga mata ko sa matigas na bahagi ng kanyang tiyan. I knew it! May abs siya! Shet!
Bago pa ako lamunin ng marumi kong imahinasyon, agad ko nang ini-scroll up muli ang kanyang timeline. Wala na akong segundong dapat palipasin. Kailangan ko na siyang makain, charot! Kailangan ko na siyang i-chat bago pa ako maunahan ng mga haliparot sa paligid! Ako lang ang haliparot na pwedeng umangkin sa kanya! Let the best haliparot win and that's fucking me!
Habol hininga talaga ako, dzai.
Hindi ko na keri noong makapunta na ako sa pinakataas ng kanyang timeline. Matapos ay walang ano-ano kong pinindot ang PM button.