46

1K 32 3
                                    

Hoy, teka!

Letche naman!

Bakit may biglang pagtawag?

Heto na ba 'yon? Heto na ba ang part kung saan makikita ko na ang kahabaan ng tagumpay?!?!! Char! Teka ang horny ko na! Kakaines?!?!?!!?

Mula sa pagkakahiga sa kama ay umupo ako. Pinaypayan ko ang sarili. I made sure na hindi ako mukhang tanga nang sagutin ko na ang video call! At inihanda ko na talaga ang sarili ko sa mga pwedeng bumungad sa akin the moment na sagutin ko na ito!

"Tagal mo sumagot," he started.

At first, gustong sapuken ang sarili ko kasi baket ako na-frustrate nung mukha niya lang ang bumungad sa akin?! Baket?!?!?! Ang horny ko na talaga!

Pero keri na rin naman. Naka-shirtless uli siya at kitang-kita uli ang kanyang collar bones—pero teka, nasa banyo ba siya?!

"Ligo lang ako, ha," he is boyishly smiling at me. That kind of a smile na talagang ikababaliw mo kasi baket sobrang gwapo naman kase teh?!

"Uhm, oki!" Ang sagot ko lang naman na para bang napipilitan pa ako. Na para bang ako pa si choosy dito!

Doon ay nahiga na akong muli sa kama. Nasaklob ako ng kumot kasi baka mamaya ay pumasok ang mahadera kong nanay. Edi baka akalain pa niya, nanonood ako ng porn dito!

Ngayon ay kalahati lang ng katawan ni afam ang nakikita ko. Nakakainis nga, ihh. Char! Tuloy-tuloy na umaagos sa kanyang katawan ang tubig mula sa shower. That is making his body to shimmer. Naging prominente rin ang pagkamaskulado ng kanyang dibdib at muscles sa biceps dahil sa tubig mula doon.

Ugh that chest!

Ang sarap gawing unan!

Ngayong ay nagsha-shampoo na siya. Ang puting bula mula sa kanyang ulo ay naglalakbay na patungo sa kanyang balikat, pababa sa kanyang dibdib at abs. And this view of him is making me heat up. Aamin na ako. May parte sa katawan ko ngayon ang nababasa na!

Shet . . .

Mabuti na lang talaga at muli niyang binuksan ang shower! Ngayon ay naging shimmering ulit ang kanyang katawan! Then one moment after ay namalayan ko na lang na nagpupunas na siya ng katawan.

Ano ba yan, ambiles?!?!

"Done, babe—I mean, Tanya," he suddenly mumbled.

"Anlah sha! Nadudulas?! Masiyadong advance? Nanliligaw ka pa lang!"

Natawa siya sa nasambit ko. Matapos ay nakakagat labi muna siyang ngumiti sa akin bago nagsalita, "sagutin mo na kasi ako."

"Hinde, wala pa ngang isang linggo 'yang panliligaw mo pero bet mo agad sagutin ka? Hindi ako easy to get no!"

"I know," he only responded while chuckling. "Teka, bihis muna ko ha."

Huy! Isama mo rin ako diyan! Anlala mo! Sa liguan, kasama ako? Tapos sa bihisan, talo-talo na?! Char!

From the look of where his camera is right now, mukhang inilapag niya sa side table ang kanyang cell phone. Ngayon kasi ay nakaharap ito sa kisame.

Naghintay lang naman ako nang naghintay. Pero muntik na akong mapamura sa gulat nang bigla, kunin niya ang cell phone. Wala na ito sa front cam, nasa main cam na ito.

And shit.

Have mercy on me, Saint Brandon . . .

Napalunok ako nang malala nang makitang nakatutok na sa body mirror ang main camera. Kitang-kita ko tuloy siya ngayon. Walang suot kung hindi ang kanyang gray boxer briefs na para bang luluwa na dahil sa laki ng loob niyon. Swear, his bulge there is fucking really prominent for me to enjoy.

Ayoko na! Joke! Gusto ko pero pabebe ako kaya sasabihin kong ayoko na!

"Oh, sorry," ang bigla niyang sambit kaya't biglang humarap uli sa kanyang mukha ang kanyang camera.

Ano ba 'yan!

Panget ka-bonding!

"By the way. Hindi na pala ako magbibihis. Naka-boxer briefs lang kase ako kapag natutulog."

Ay! Parang gusto ko bigla maging kama niya! Char!!!

"Okiii, h-hehehe," I mumbled. Hindi ko na tinakluban ng kumot ang katawan ko kasi ang init na kashe! Nakakainesh! Nagka-brace tuloy ako!

"Wait," he blinked all of sudden after he lied on his bed with his hair still wet, "are you blushing?"

Bigla akong nataranta. Napatingin ako sa camera para i-check ang sarili at oo nga! Shuta! Pulang-pula nga ang mga pisngi ko! Doon ay lalong nag-init tuloy ang mukha ko!

Pisteng yawa!

Teka lang naman!

"H-Hoy, hindi ah! Prung gagsti ka."

"I am just saying what I am seeing."

"Heh! Bawal magsalita! Naglilista ako ng noisy!"

Bigla ay hindi nga talaga siya nagsalita. Doon ay ilang segundo lang kaming nagkatinginan. At nang ma-realize ko na mukha kaming tanga ay bigla akong napahagalpak ng tawa. Mukhang nahawa yata siya sa akin kaya ayon si gago, tawang-tawa rin.

Jusko, mukhang nakahanap ako ng katapat kong kayang magtiis sa trip ko ah!

Well, that night, just like the usual nights after I met him online, we talked a lot until makatulugan ko na lang talaga siya. Hindi ko na alam kung ano nang sumunod na nangyari, basta ang alam ko, noong unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko ay naka-on pa rin ang cell phone ko at nagkukwento pa rin siya ng kung ano-ano about modeling.

Casually CruelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon