3

4.1K 229 89
                                    

WESTERN UNIVERSITY CONFESSION

TO THE GUY WITH THE PINK UMBRELLA

Hello, Philippines and Hello, World! Char!

Paano ko ba kasi ito sisimulan, mga dzai?! Wala akong ideya sa ganire, aba. Hindi naman ako sanay lumandi online, shuta?! 

Pero heto na nga lang . . . let me start with intruducing myself. Confidentiality. Charot. Confidentiallismshipness kase.

Ako nga pala si Sexy. Yes, opo. Sexy. Ako po si Sexy at ako ang inyong next PBB Big Winner. Just text BBSEXY to 2366 char HAHAHAHA

Seryoko kase, walangya.

I-tago niyo na lang ako sa pangalang Sexy. Hindi para hindi niyo ako makilala. Kung hindi, para kapag nakita niyo ako, mapapa-'Ay, siya si Sexy! Siya iyong nasa Western University Confession, 'di ba?' Char!

Teka . . .

Ang dami ko nang sinasabi.

So heto na nga. Heto na talaga.

Nitong hapon lang, alam naman nating umulan nang bongga. At aminin niyo, isa rin kayo sa mga gagang hindi nag-abalang magdala ng payong dahil maaraw naman—mainit naman ang panahon. Aminin niyo rin! si Weather pala ay isang snake! Traydor siya, mga dzai. Bigla ba namang umulan?!

Pero aminin niyo rin na ang bobo natin! Alam na nga nating andiyan si Mareng Choleng tapos hindi pa tayo nagdala ng payong? Nuknukan lang ng tanga?

Ayon.

Hindi ko na talaga alam kung anong itina-type ko dito HAHAHAHAHA balakayojan.

That time, saktong nasa gitna ako ng Park noong biglang bumuhos ang ulan. Ang vakla, nataranta talaga ako! Paanong taranta? Iyong napa-side step talaga ako habang naghahanap ng masisilungan! At ang swerte ko, opo. Napaka-swerte ko. Wala akong nahanap!!!

BUT!

Butdog.

Char HAHAHAHA

Heto na nga po talaga ang main event. Opo. Heto na.

Sa gitna nang pagyakap ng malamig na ulan sa mga balat ko. Sa gitna ng kaba kong baka masira ang phone ko sa pagkabasa. Sa gitna ng pagkakataong tila bang wala nang pag-asa kung hindi ang mabasa sa panahong walang tigil na ulan, someone will come . . .

Char!

Ang drama ko don, mare HAHAHAHA

Pero ayon nga. Someone came to save me from the rain. With his pink umbrella, he became my armor against the rain. At oo, ang gwapo niya. Afam siya, dzai. At mga vakla, mabango pa. Opo! Pero mas lalo siyang gumwapo dahil sa ugali niya. He was so kind to animals. Char HAHAHA he was really kind to me. His good heart made him shine more.

At ang gaga ko lang talaga. Opo. Hindi ko manlang nalaman ang pagkatao niya hanggang makarating na kami sa waiting shed. Busy kasi akong kiligin, gaga talaga! Hindi ko manlang nalaman ang name niya and that was the reason why I am doing this. I want to meet him again.

Kaya ikaw, Mr. Pink Umbrella. Kung nababasa mo man ito, igalaw mo ang baso char HAHAHAHA.

De joke.

Mag-comment ka lang sa post na 'to. Ako nang bahalang mag-PM sa 'yo. Accept mo message request ko, ha? Ililibre kita. Pang-bawi man lang sa damit mong nabasa dahil sa akin. Tinanggi mo pa nga, eh! Pero kitang-kita ko naman kung papaano nabasa ang balikat mo nang dahil sa akin. Hays, napaka-humble talaga ng next jowa ko char HAHAHAHA 1/10. Enebe!

Pero ayon na nga.

Mag-comment ka sa post, ha? Pakiusap, galawin mo ang baso HAHAHA

Labyu!

Ahe!

Waiting for the right one,
Ate Mo Blue

Casually CruelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon