Five Hours After
"Uwi na tayo?" Lumapit ako kina Bernice at Angelo matapos kong lapagan ng pera ang mesa.
Pinilit kong ngumiti. Pinilit kong hindi maiyak. Kasi durog na durog ako ngayon. Hindi ko magawang ngumiti at magpanggap na okay lang ako . . . Na okay lang ang lahat.
Silang dalawa ay tahimik na tumayo at tumango.
Wala silang imik na sinundan ako papalabas ng Restaurant.
Wala silang ibang sinabi habang ang puso ko ay nadudurog. Habang ang lahat sa akin ay tila bang gumuguho sa harapan ko. Habang tinitignan ko ang sarili ko sa aking utak—isang payaso; isang nakakaawang payaso.
BINABASA MO ANG
Casually Cruel
General FictionTanya Vergara, an underweight college girl, will do everything to meet the guy with the pink umbrella again. It was love at first sight for her and she is willing to risk it all just to meet that stranger once more- yes, even if it means humiliating...