36

1.8K 110 30
                                    

Noong sagutin ko ang tawag ay itinapat ko sa kisame ang camera.

"Oh, ano?" Sinubukan kong pagmukhaing bored ang boses ko. Kahit ang totoo niyan, gusto ko nang tumalon sa ibang galaxy dahil sa tindi ng kilig ko!

"Where are you?" Gosh, dzai. He is pouting! 'Wag kang ganiyan, afam! Baka pumasok talaga ako diyan sa screen ng cell phone mo at pagsawaan ko iyang labi mo!

Pero dahil marupok nga ako—Oo na, sige na. Marupok na kung marupok. Itinapat ko na sa mukha ko ang camera.

"Ano?" I am still on my bored face. Walangya, sana ay hindi niya mapansin ang pamumula ng cheeks ko dahil sa letcheng abs niya! Bakunawa siya!

"Bati na tayo, plith." Halatang pinipigilan ni mokong ang mapatawa sa huling sinabi. Kita kong lumalalim ang dimples niya. Sana ol! Ang unfair! Dimples ang hiniling ko kay Lord noon pero bakit pimples ang natanggap ko?! Why naman gan'on?!

"Heh!" Umirap ako.

"Dali na," nagpatuloy siya sa pag-pout. At ang walanghiya, parang kabisado na ang kahinaan ko! Nilipat niya ang camera sa main cam. Doon ay nalaman kong nasa tapat siya ng salamin. At mula doon, nakita ko ang anim na abs niya! At mga dzai, nakasuot lang siya ng itim na boxers!

Luh, ang epal ng boxers! Hinaharangan ang view ko, charot!

Nakakaloka na talaga! Bakit kasi siya ganiyan!

Umirap akong muli pero this time, hindi ko na mapigilan ang ngiti ko. "Oo na, letche ka."

"Good girl," he chuckled huskily bago niya muling ibinalik sa front cam ang camera, "now, I know your weakness."

"Weakness mo mukha mo."

"No. Weakness ko ngiti mo." He said on a very conyo manner pero bakit ang sherep niyang panooring magsalita?!

"May nagtatanong?"

"No. Kasi may dapat sumagot."

"Ha?" Kumunot ang noo ko.

"Ikaw, sagutin mo na ako." His smile grew.

Pinilit kong 'wag kiligin. Shuta siya! "Hakdog!"

He only shook his head and guffaw. "Meanie."

"Pero bakit ka nga wala sa mood? To be honest, I don't have any idea." Ginulo niya ang kanyang buhok. Nakakainis na parang kahit anong gawin niya, laging sa mesherep ako dinadala ng utak ko!

"Ewan ko sa 'yo."

His brows created downward curves. "Wala nga akong idea."

Tapos ay muli niyang ibinalik sa main cam ang camera kaya't heto nabusog na naman ang mga mata ko! "Dali na. Spill."

"Oo na! Heto na! Sasabihin na! Nangwa-warshock, teh?!"

Tumawa siya nang malakas. Iyon ang dahilan kung bakit mas lalong tumigas ang mga abs niya! Nakakaloka na talaga ang mga pangyayari sa gabing ito!

"Paano kasi," umiwas ako ng tingin, namumula na ako. Shemay! "Bakit hindi ka tumawag? Dati naman, tumatawag ka after school o hindi naman kaya ay magpapaalam ka kapag may gala ka."

Noong magbalik ako ng tingin ay nasa front cam na naman siya. He is looking amazed and entertained at the same time. Sarap niyang sungalngalin ng kiss, shet!

"So inshort, namiss ako ng baby ko?"

"Luh?" Lalo akong namula!

"Namiss mo ako."

"Ang feeling mo!" Kumunot ang noo ko. Pigil na pigil ang ngiti ko.

"Someone's catching feelings for me." Ngumiti siya nang nakakagat labi.

"Ang feeling mo talaga! Amfee! Amfee! Amfee!"

"Syempre, amfee talaga ako. Feel ko na kasing anytime, sasagutin mo na ako." Humalakhak pa siya. Ay tanga, 'di niya siguro alam meaning ng amfee. Buti na lang gwapo siya!

Umirap na lang ako at saka itinaas ang camera sa kisame. Matapos ay para akong nanghihingalong aso kung mag-gugulong sa kama! Pinigilan ang mapatili! Pinipigilan ang mapasigaw sa sherep ng nereremdemen!

Casually CruelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon