A/N:
Please vote, commnet and be a fan
Sorry for the wrong
grammars and typos.Hope you like it^_^
~♥~
Nicole Samantha Salvador's POV
2 months. Yes! 2 months na ang lumipas at hindi na ako ginugulo ni monster. At iniiwasan na rin niya ako. Maraming nagtataka dahil nerd pa rin ang style ko pero tinigilan na niya ako.
Simula nang huling araw na binully niya ako ay umiiwas na siya. Nakakapanibago pero okay na rin.
Saturday ngayon at pupunta kami sa mall para ipatanggal na ang braces ko at sa E.O na rin.
"Nicole?! Ang tagal mo naman eh! Excited na kaya kaming makita kang walang eyeglass at braces. Labas na dyan." Sigaw ni Jane mula sa labas ng kwarto.
Mas excited pa talaga sila kaysa sa'kin eh. Sa sobrang excited nila sila pa mismo ang naghanda ng damit na susuotin ko. Nakakainis nga lang kasi ang hinanda nilang damit ay 3/4 fit white offshoulder, pink skirt at black boots na 3inches ang taas at lagpas sa tuhod.
Nilugay ko na rin ang buhok ko at nagdala ng black mini shoulder bag lalagyan ng cellphone at wallet ko.
"Palabas na!" Balik kong sigaw.
Naglagay pa kasi ako ng facial routine ko at magic lipbalm. Puti siya sa lagayan ng lipstick at kapag nilagay sa lip ko magpipink siya. Nilagay ko na rin ito sa bag ko.
Lumabas na ako ng kwarto ko na may dalang milk tea. HIHIHIHI.
"Shit! Girl, ang ganda mo. Ano pa kaya kapag wala na 'yang braces mo at eyeglass mo?" Sabi ni Jane ng makalabas ako.
"Tara na at excited na rin ako." Sabi ni Jade pero hindi halata na excited siya.
"Excited ka na niyan sis?" Tanong ni Jane.
"Anong gusto mo? Magtatatalon ako na parang bata gaya mo. Tss." Sagot niya.
Jane rolled her eyes. "Whatever."
At lumabas na kami ng dorm.
As usual maraming nagbubulungan dahil nakita nanaman nila akong nakaganitong outfit.
"Ano uunahin na'tin? Eyeglass o braces?" Tanong ni Jane ng makapasok na kami sa mall.
"Nakakain na rin naman tayo eh kaya 'yung braces ko na lang." Sabi ko at naglakad na kami papunta sa dentist.
Pasakay na kami sa escalator ng makita namin sina Bryan, Clyde, Zane at si monster. Hindi ko alam pero parang namiss ko siya. Sabagay dalawang buwan rin niya akong iniiwasan eh.
"Oh? Saan kayo pupunta?" Tanong ni Clyde
"Sa dental clinic papatangal na ni Nicole ang braces niya." Sagot ni Jane.
"Talaga, Sammy? Sama kami." Sino pa ba natawag sa'kin ng Sammy? Edi si Byan.
"Ha? Matatagalan pa yata kami doon eh. Baka mabored kayo." Sagot ko.
"Hindi 'yan. Kanina pa nga kami nagiikot dito eh. Buti na lang nakita namin kayo. Edi may mapupuntahan pa kaming iba. Tsaka gusto namin kami ang unang makakakita ng Nicole na walang braces." Sabi ni Bryan. Napangiti naman ako.
"Sama na rin kayo mamaya sa EO tatanggalin na rin ang eyeglass niya eh. Kasi nakatulong na sa kaniya 'yun at luminaw na ang mata niya." Sabi ni Jane na halata sa boses ang excitement.
BINABASA MO ANG
Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]
General FictionUNEDITED.... Isang babaeng nerd ang nagtranfer sa Dela Vega Academy. Makapal na eyeglass, may retainer at maluwag na uniform-ganyan idescribe ang nerd. Siya si Nicole Samantha Salvador- ang campus nerd na matapang, matalino at walang inuurungan. Sa...