CHAPTER 25 - TRAITOR

554 22 0
                                    

Nicole Samantha Salvador's PoV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko para magbihis kasi susunduin ako ni Luke dahil may date kami. December 26 pa lang ngayon so at kahapon lang ulit naging kami. Sabi niya gusto niya na ang anniversary namin ay December 25 ayaw niyang ibalik ang dating dapat anniversary namin na December 04 dahil raw sa ang daming pangit na memories ang nangyari.

Pumunta ako sa walk-in closet ko para kumuha ng dress.

After 2 hours ay nakita ko na rin ang dress na susuotin ko.

It's a pink sundress that Jane and Jade brought for me doon sa Forever21 sa mall ng academy. Then I ready my white stiletto.

Pumasok na ako sa shower room at naligo. Pagkatapos kong maligo ay naglagay lang ako ng bath robe at nilagay ang towel sa buhok ko. Dumiretso ako sa makeup table ko at binuksan ang mga ilaw na nasa salamin ko.

Naglagay lang ako sa mukha ko ng Brilliant Toner at naglagay ako ng Alovera Moisturizer. Pagkatuyo ng moisturizer ay naglagay lang ako ng pulbo at naglagay ng blush sa cheeks ko, konting eyeshadow na light pink, eyeliner, mascara, at lipstick na peach ang kulay. Then naglagay ako ng Brilliant Sunblock sa kamay, dibdib at sa legs at hita ko pagkatapos ay nagspray ako ng favorite cologne ko na Victoria's Secret. Then pagkatapos ay tinanggal ko na towel sa buhok ko at nilabas ang hair dryer sa drower ko. Pagkatapos matuyo ng buhok ko ay hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba at wavy kong buhok. Nang matapos ako ay niligpit ko ang gamit ko para di makalat at inoff ang mga ilaw.

Lumabas na ako at tumungo sa damit ko at sinuot 'yun. Then, that's it tumingin ako sa malaking salamin na nakadikit lang sa dingding. Perfect!

Kinuha ko 'yung white Gucci sling bag ko at nilagay doon ang wallet ko. Pero bago ko ilagay ang cellphone ko ay hindi mawawala ang picture taking, hindi naman pangit ang background kasi puro bag at sapatos na mamahalin naman ang background, hindi na mapapansin 'yun. Ilalagay ko na ang cellphone sa bag ko ng may kumatok sa kwarto ko kaya dali-dali akong lumabas ng closet at nagtungo sa pinto at binuksan iyon.

Bumungad sa'kin si Luke na naka simpleng white t-shirt, black jeans at white Fila shoes. Naka-sandal siya sa railings ng hallway habang nakapamulsa at naka-shades pa. Looks so hot!

Bumaling ito sa'kin at tinaas ang shades niya sa buhok niya na naka-wax na nakahawi  sa right side ang style ng buhok niya. "Hey, beautiful. Let's go?" He asked then offer his hand that I gracefully accept.

"Let's go." Sabi ko na may ngiti. He intertwined our fingers habang papunta sa hagdan. Bago kami makababa ay may salamin kaming nadaanan kaya nilabas ko ang cellphone ko at nagpicture kami sa human size mirror.

Then I posted it on my Instagram with a caption; 'Going somewhere with my beloved boyfriend, @alexanderluke'

Pagkatapos mapost ay inoff ko na ang wifi at binalik na ang cellphone sa sling bag ko kaya pinagpatuloy na namin ang pagbaba sa hagdan.

Dumaan muna kami sa kwarto nina Mom and Dad pero wala sila doon kaya dumiretso ako sa nursery room pero si Nellisa lang na mahimbing na natutulog ang nandoon kaya bumaba na kami at naabutan namin sina Mom and Dad na nanonood sa living room ng movie.

Lumapit ako at hinalikan sila sa cheeks, "alis na po kami." Sabi ko.

"Okay. Take care." Sabi ni Mommy at tumango lang si Daddy dahil tutok na tutok siya sa pinapanood nila kaya umalis na kami.

Paglabas namin ng mansion ay dumiretso kami sa parking lot at bumungad sa'kin ang black na Lynkan Hypersport. Pagkasakay namin sa sasakyan ay inopen roof niya ang sasakyan at sinuot ang shades niya. Ako naman ay tinali ko lang ang buhok ko at sinuot ko na rin ang shades ko na nasa sling bag ko.

Pagkadating namin sa highway ay nakalanghap kami ng air pollution kaya sinarado na lang ulit ni Luke ang bubong. Napatingin ako sa itsura niya na nakangiwi kaya natawa ako.

"At bakit ka natawa?" Tanong niya.

"Wala lang. Ang cute mo kasi kapag nakangiwi eh." Sabi ko at natawa ulit. "Siya nga pala, Luke. Di ba may kapatid ka? Nasaan siya? Hindi ko kasi siya nakikita eh." Sabi ko. Naalala ko kasi na may nabasa ako noon na may ate siya.

"Ah si Ate Alex, nasa Korea. Nagaaral siya doon. Hindi siya makakauwi ngayon kasi sabi niya wala daw halos bakasyon doon kaya hindi siya nakauwi ngayong pasko pero sabi niya bago magbagong taon nandito na siya." Mahabang lintanya.

"Ahh... Kaya pala hindi ko siya nakikita." Sabi ko at napatango tango pa. Sana makita ko na siya.

"Change subject. Napapansin ko kasi si Bryan na parang may iba sa kaniya."

Kumunot naman ang noo ko, "iba? Ano naman?"

"Ewan ko. Basta parang may iba sa kaniya."

"'Wag mo na nga isipin 'yun." Sagot ko.

Napatingin siya sa relo na suot ko na bigay ni Bryan pero agad ring niyang ibinalik ang tingin sa daan.

Maya-maya lang ay nasa mall na kami. Pagkapark ng sasakyan ay agad siyang bumaba ako naman ay tinanggal ang seatbelt ko. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at inoffer ang kamay niya.

"Saan tayo?" Tanong ko pero imbes na sagutin ay hinubad niya ang relo ko sa kamay ko at itinapon 'yun. "Bakit mo ginawa 'yun?"  Tanong ko na medyo tumaas na ang boses.

"Masama ang kutob ko sa relo na 'yun eh." Sabi niya at nauna ng maglakad.

Bryan Kim Fontallion's POV

"Bwesit!" Sigaw ko.

"Why? What happen? Bakit nawala 'yung red dot sa screen?" Sunod-sunod na tanong ni Shaira.

"Use your brain, Shaira! Syempre isang rason lang 'yun nasira ang relo kaya hindi na na'tin ma-trace kung nasan siya!"

"Eh paano na 'yan? Saan na'tin siya hahanapin dito sa mall."

"Stupid! Aantayin na'tin sa parking lot!" Sigaw ko. Napakahina talaga ng utak ni Shaira.

Yes! I'm a traitor. Pinili ni Nicole si Luke kaysa sa'kin. Kaya ngayon sisiguraduhin ko na pagsisisihan ni Nicole ang desisyon na 'yun.

~*~






Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon