CHAPTER 21 - COOL OFF OR BREAK UP?

560 28 0
                                    

Nicole Samantha Salvador's  POV

"AL? AL is that you?" Tanong ko doon sa lalaking nakatalikod.

Lumapit ako sa lalaking iyon pero palapit ako ng palapit at nagiging bata ito.

Pagkaharap niya ay nakita ko ang batang nasa panaginip ko noon sa ospital.

"Sam." Nakangiting sabi nito.

"AL? Ikaw nga ba 'yan?" Tanong ko na medyo nangigilid nanaman ang luha ko.

Nanatili lang itong nakangiti at hindi sumasagot sa halip ay inoffer nito ang kamay niya.

Napatitig lang ako sa kamay niya ng ilang segundo pero dahan-dahan ko iyong tinanggap. At dahan-dahan ko ring inangat ang tingin ko rito na siyang ikinagulat ko sa nakita ko.

"Luke?!"

"Nicole! Nicole, gising nananaginip ka." Agad akong napabangon at nakita ko ang nagaalalang itsura ni Jane at Jade.

"Panaginip? Panaginip lang 'yun? Pero anong ibig sabihin nun?" Bulong ko sa sarili ko pero alam kong narinig iyon ng kambal.

"Oo, nananaginip ka lang at kanina mo pa sinisigaw ang pangalan ng kababata mo at huli mong sinigaw ay Luke." Sabi ni Jade.

"Ano bang napanaginipan mo?" Tanong naman naman ni Jane.

"Si AL kasi na bata sa panaginip ko ay naging si Luke." Sabi ko at yumuko at iniisip kung bakit ganun ang panaginip ko. Bakit nga ba?

"P-pero parang i-imposible naman yata 'yang s-sinasabi mo eh." Utal-utal na sabi ni Jane pero hindi ko na lang pinansin kung bakit nauutal siya. Ang importante sa'kin ngayon ay kung anong ibig sabihin nun.

"Hindi ko alam. Imposible nga 'yun. Siguro kaya ganun ang panaginip ko dahil pareho silang tawag sa'kin ay Sam." Sabi ko at tumayo na at dumiretso sa restroom para maligo na at magbihis. Wala ng pasok ngayon dahil christmas break na namin at susunduin ako ni Daddy at uuwi na kami sa dati naming bahay dito sa Tagytay.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong ibig sabihin ni AL doon sa 'SEE YOU SOON'.

F L A S H B A C K

"'SEE YOU SOON'" basa ko sa mga papel na may nakasulat na 'see you soon'.

Hindi ko napansin na naiyak na pala ako kung hindi pa 'yun pinunasan ni Luke.

"AL?! Anong ibig mong sabihin?! Bakit soon pa?! Kung pwede namang ngayon na!" Sigaw ko pero si Luke ay bigla akong niyakap. "Bakit iniwan nanaman  niya ako, Luke. Nung una iniwan niya lang rin ako basta-basta ng hindi manlang nagpapaalam. Tapos ngayon ginawa nanaman niya. Hindi ba worth it sa'kin ang pagsabi manlang niya ng 'Good bye'. Hindi ba ako mahalaga sa kaniya?

Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon