THIS IS NOT A CHAPTER, THIS IS A HOUSE TOUR

511 30 0
                                    

Nicole Samantha Salvador's POV

Pagkatapos akong ihatid ng kambal ay agad akong pumasok sa kwarto ko sa third floor. Maraming nagbago sa mansion namin. Nalaman ko rin na pinarenovate ito kaya balak ko itong libutin.

Dito sa kwarto ko ay white at green ang theme color, may mga pictures ko na nakalagay sa isang table at may dalawang malalaking portraits ng mukha ko isa sa itaas ng headboard ng kama at isa naman sa dingding, may king size bed, right side ng bed ay nandoon ang bedside table na may lampshade at sa gilid din ay ang switch ng mga ilaw, may malaking space pa naman kaya dito ko na lang ipapalagay 'yung ref ko at yung freezer na rin na binigay ni Luke (sana di niya bawiin 'yun). Mayroon ding book shelf slash study table. Sa left side ng higaan ay ang sliding glass window na kapag lumabas ka ay may balcony na overlooking ang dagat at kita din ang bulkang taal, may maliit na coffee table, dalawang upuan, at duyan. Sa left side ulit na pagkapasok mo sa pinto ng kwarto ay makikita ang isang sofa na pangdalawahan at sa gitna nito ay may table din na may vase na puno ng red tulips–my favorite flower. May 40 inches TV sa may paanan ng kama kaya kung bago ako matulog ay makakanood ako.

Sa right side rin ng kama ay may sliding glass window kaya pumasok ako doon. Bumungad sakin sa pinto ay ang walk in closet ko. Sa left side ko ay nandoon ang iba't ibang klase ng sapatos– may fila, sketchers, keds, stiletto at marami pang ibang brand ng sapatos. May mga bag din–shoulder bag, sling bag, back pack, at iba pa. Sa harap ko naman ay makikita doon ang mga dress na nakasabit. Kaya lumapit ako doon at tinignan iyon at marami akong nakitang magagandang dress. Napansin ko na parang may iba sa sabitan ng dress ko kaya sinubukan ko itong islide papunta sa left at doon ko nakita ang mga iba't ibang style ng damit like oversize t-shirt, croptop t-shirts, off shoulders/croptop off shoulder, mga t-shirts na normal size lang or mga fit, may sleeveless/spaghetti/sandos, hoodies, lether jackets, maong jackets, mga pang ibang bansa na jacket, may mga normal lang na jacket, may longsleeves rin. May shorts na pambahay, panglakad like maong, high waist shorts, may mga pantalon, jogging pants at may mga pantulog rin na damit na partner ang short at t-shirt or sando. Hindi sila nalalagay sa drawers pero makaorganize sila base sa kung anong style ng damit.

Binalik ko na ulit sa dating pwesto ang sliding door ng lagayan ng dress ko at tumingin sa rights side ko may malaking salamin na nakadikit sa dingding kaya nakikita ko ang buong katawan ko. May sliding glass door ulit kaya pumasok ako doon. Bumungad sakin ang white theme ng makeup table ko. Sa ibabaw ng table ay ang mga makeups ko. Ang iba dito ay galing sa dorm ko na ipinakuha ni Mommy at inilipat dito. May malilit na drawers ang mesa kaya binuksan ko at puro mga bagong makeup product ang laman at mga pang-skin care at nandoon din ang mga hair blowers, hair curlers at hair straightener, pero infairness kahit nasa drawer ay nakaorganize din ito. Hindi makalat ang mesa kasi nakalagay ito sa lagayan na nakaorganize rin like 'yung mga lipsticks,liptints at lipbalms ay nakalagay sa isang lalagyan ganun din ang iba ko pang makeup na nakalagay sa ibabaw ng mesa. Sa may dingding naman ay nandoon ang salamin na may mga bulbs mga 12 bulbs ito. May upuan din dito para kapag magmamakeup ako ay makakaupo ako.

Sa left side ay may sliding glass door ulit. Ang dami namang pinto itong kwarto ko. Sa loob nito ay ang gold and white theme na bathroom. May table dito na ang mga nakalagay ay ang mga white towels ko, white bath rubs, mga body wash, toothpaste at tootbbrudh, mga shampoo, conditioners at sabon. Gold marble floor at tiles ang dingding. Sa right side ay ang shower room. May glass lang parang pumagitna sa shower room at sa table. May bath, malawak na shower area, may bowl na ihian at may sink rin na may salamin sa dingding at may lagayan ng toothbrush at toothpaste na gagamitin ko. May handwash soap, sanitizers at mouth wash.

Lumabas na ako sa kwarto ko para libutin ang buong mansion. Sa third floor ay puro guest rooms. Nasa dulong pinto ang kwarto ko. Parang master's bedroom ang kwarto ko sa laki dahil 'yung mga guestrooms ay maliliit lang like may single bed, closets at restroom na maliit dahil walang bath tub. Pare-pareho ang lang ang lahat ng guest rooms dito sa third floor akin lang ang naiiba dahil kwarto ko lang ang may balcony.

Bumaba ako sa main staircase ng mansion at tumingin sa mga kwarto. Ang master's bedroom mismo ay ang kwarto nina Mom and Dad. Kumatok ako sa mula sa labas pero walang sumasagot kaya binuksan ko ito. Ganun na lamang ang gulat ko dahil may doble ang laki nito sa kwarto ko ng libutin ko iyon. Maraming mga picture frames na puro sina Mom and Dad lang at 'yung mga kaibigan nila na parents ng kambal at ni Luke.

Next na pinto ay nursery room na pink ang theme color. Kwarto ito ni Nellisa na kwarto ko yata noon. I don't think so.

Sa mga susunod pa na kwarto ay ang library, music room at ang office ni Dad.

Sa first floor ay ang malawak na sala na kung saan ay may malaking portrait ng family picture naming tatlo pero sabi ni Dad sa pasko daw ay papalitan na yan na kaming apat kasama si Nellisa na magt-two months pa lang sa pasko. May mga picture frames din dito na magkasama kami nina Mom and Dad. Nandito rin 'yung picture na sinend ni Dad sakin nung nanganak na si Mommy. Pinadevelope niya ito at nilagay sa picture frames. May mga pictures din dito nung bata pa ako at meron ding mga pictures ni Nellisa na nakangiti. Ang unfair siya may dalawang dimples sa matataba niyang pisngi tapos ako wala.

Anyways may malaki rin kaming TV dito sa sala mga nasa 50-60 inches yata ang laki. Sabi ni Dad dito daw kami minsan nagmo movie marathon noon habang nakaupo kami sa mahabang sofa na pwede ring gawing queen size na kama. May dalawa ring sofa na tig-isahan at may malaking table na may mga magazines.

Sa kitchen namin ay malawak rin ito. Kumpleto sa mga gamit ang kitchen. Hindi ko na iisa-isahin basta kumpleto.

Sa labas naman ng mansion ay may malaking fountain na bumungad sakin. Hindi lang siya basta-basta fountain dahil may mga isa rin dito. Parang fish pond na may fountain. Pumunta ako sa right side ng bahay at may malaking swimming pool dito na may slide pa at pwede ka ring magdive dito dahil may diving board. May nakalagay na number '3 to 7 feet' ibig sabihin ay yung pinakamalalim ay 7 feet kung saan nandoon ang adult slide at ang diving board, sa mababaw naman ay parang kiddie pool lang ito ay mag maliit lang din na kiddie slide. May mga upuan rin kung saan pwede kang mag sunbathe dahil 'yung pool ay may bubong para hindi mainit kapag mag si-swimming. Kaya kung magsa-sunbathe kay ay may upuan na.

Pumunta ako sa likong ng bahay ay nagulat ako dahil nandoon ang marami at iba't ibang kotse na pagmamayari ni Daddy. May mga motorcycles rin na pang racing. Ganun din sa mga kotse. Ang cool.

Umikot ako sa kabilang gilid at nandoon naman ang parking lot namin. Nandoon ang kotse kong pula at 'yung kotse nina Mom and Dad at may isang van. May motor din dito tatlo. Tigisa kami nina Mom and Dad.

May garden din dito dahil mga plantito at plantita ang parents ko.

Maganda ang buong mansion namin. Parang mas gusto ko pa nga na wag na magasawa para dito na ako tumira habang buhay eh. Pero sabi ni Dad ang bahay na ito ay ang titirhan ng magiging pamilya ko. At alam kong irerenovate nanaman ito.

A/N:

Do you want to read the Chapter 20? Then scroll it now or slide it from right to left.

Hope you like the house tour.

P L E A S E

V O T E

C O M M E N T

A N D

B E  A  F A N

Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon