CHAPTER 13 - SCHOOL ANNIVERSARY (PART 01)

636 35 0
                                    

Nicole Samamtha Salvador's POV

Nandito ako ngayon sa dorm at naghahanda na para sa school anniversary. Mamaya pa naman ang pageant kaya makakapagsaya pa kami. Ngayong umaga ay puro booths, kainan at sayahan muna sa Event Hall. Kapag nag-5pm na ay aayusin na ulit ang event hall, tatanggalin ang mga mesang nakahilera na puro pagkain at aayusin ang pagrarampahan ng mga candidate.

Maaga pa naman kaya may oras pa ako para maghanda sa pageant mamaya.

Pagpatak ng 12pm ay bubuksan na ang event hall at doon papasok ang lahat ng studyante para kumain, sumali sa mga booths at may palaro pa. Para lang kaming nag-christmas party.

Kapag 6pm na mags-start na ang pageant, well 9am pa lang naman kaya mahaba pa talaga ang oras ko para magready.

"Girl, excited na ako para sa'yo mamaya." Sabi ni Jane.

"Halata nga." Sabi naman ni Jade then she rolled her eyes. Natawa na lang ako.

"Shut up ka nga Jade." Sabi naman ni Jane.

Nagusap-usap lang kami tungkol sa pageant mamaya ng may magdoor bell.

"Sino 'yun?" Tanong ni Jane.

"Baka 'yung mga makeup artist at designers na dala ang mga susuotin ko." Sagot ko. Pumunta na rin sila dito 'nung unang araw na nagpractice kami ni Xander para sa talent portion para masukat na niya ang mga susuotin niya.

Then ngayong araw ay ang gown ko naman ang dinala.

Agad namang pumunta si Jade sa pinto at binuksan iyon.

At nagsipasukan na sina Barbie kasama ang mga kasamahan niya. Huling pumasok ang isang staff na dala ang gown na susuotin ko na nakalagay sa malaking white box.

Agad naman itong binuksan ni Jane at inilabas ang kalahati ng gown.

"Girl ang ganda ng gown na napili mo." Komento ni Jane.

"Kaya nga. Siguradong malakas ang impact niyo sa audience kapag lumabas kang nakasuot ang gown na iyan.

Well, maganda nga talaga. Maraming kumikinang sa tela niya.

"Syempre talagang mananalo siya, ako kaya gumawa nito." Singit ni Barbie sabay kindat. Natawa na lang kami.

Kinuha na rin nila ang isa ko pang gown sa loob ng kwarto ko. Hindi pa nakikita nila Jane at Jade 'yun dahil nakalimutan kong sabihin.

"Hala, Nicole! 'Yan ang susuotin mo sa casual wear?" Tanong ni Jane.

Kumunot naman ang noo ko. "Oo bakit?"

"ANG GANDA!!!" sigaw niya.

Napailing-iling na lang ako. "Akala ko naman kung ano."

"Shit, girl siguradong panalo ka na talaga. Ikaw na talaga." Sabi naman ni Jade.

Maya-maya lang, nagmistulang mini parlor ang buong living area ng dorm namin. Maraming ilaw sa salamin at 'yung gown ko na red ay inilagay na sa malaking box at 'yung dress ko ay nakahanger, then yung pampalobo ko sa gown ay nandito na rin.

Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon