Nicole Samantha Salvador's POV
"Wala ba kayong couple watch na silver sa panglalaki at gold naman sa pambabae?" Tanong ni Luke sa saleslady. Nandito kami ngayon sa jewelry shop at nagtitingin-tingin si Luke ng mga relo dito. Couple watch ang hinahanap niya na gold and silver kaso wala. Marami na kaming napuntahang jewelry shop pero wala.
Sabi sa'kin ni Luke ay dito rin siya nagpabili noon ng necklace.
"Yes sir. Actually nagiisa na lang po 'yun. Limited stock po kasi siya." Sabi ng saleslady. Thanks god at mayroon na.
"Pwede ko bang makita?"
"Yes sir. Kukunin ko lang po." Sagot ng saleslady at umalis sandali.
Pagbalik nito ay may hawak na itong red na box. Inilapag niya ito sa harap namin at binuksan. Doon namin nakita ang gold at silver na relo.
"Wow!" Reaction ko dahil sobrang ganda nito.
"This is worth 200,000 pesos. Pure silver and gold. And sorrounded by pure diamonds. We can engrave something what you want here at the small space." Sabi nito at itinuro 'yung space na nasa taas ng relo. It's an analog watch at napapalibutan nga ito ng mga diamonds. Imbis na numbers ay diamonds ang nakalagay dito. Kaso nga lang nakakabutas ng bulsa ang presyo.
"Okay. I'll get that." Sabi ni Luke at kinuha ang card sa wallet niya.
"Teka, Luke. Masyado naman yatang mahal ang relo 'wag na lang. Iba na lang."
"Nope. Ito ang gusto ko." Bumaling siya sa saleslady. "Miss magpapaengrave ako." Sabi niya kaya may inabot ang saleslady na papel at doon sinulat ni Luke ang ipapaengrave niya.
Gold: S.A.M
Silver: A.LYan ang sinulat niya sa papel.
"Babalikan na lang namin." Sabi niya at binayaran na ito.
Pagkalabas namin ng jewelry shop ay agad akong nagsalita.
"Bakit mo naman binili 'yun masyadong mahal eh. 100k ang isa." Sabi ko.
"It's okay. Regalo ko na 'yun sa'yo." Sagot niya ang ngumiti.
"Pero nagregalo ka nga sa'kin ng isang set ng Vice Cosmetics tapos ngayon ang mahal pa ng regalo mo ulit." Sabi ko. Kahapon kasi ay Vice Cosmetics ang bigay niya. As in kumpleto lahat ng set niya tapos ngayon naman itong relo na sobrang mahal.
"Let's go. Kakain muna tayo." Pagiiba niya ng usapan at hinila ako sa isang Korean restaurant.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa jewelry shop at kinuha 'yung relo. Pinicturan ko ito habang nakasuot sa wrist namin at pinost sa instagaram.
Hindi agad kami lumabas ng mall dahil dumiretso pa kami sa NBS at namili ng mga bagong libro. Hinanap ko 'yung libro na "One Night with My Boss" by CECELIB. Kapangalan kasi ni Alexander 'yung lalaki doon kaya hinanap ko at buti na lang ay nandoon kaya binili ko. Bumili na rin ako ng "The Possessive Series 1-21" wala pa 'yung Possessive Series 22 na tungkol kay Khairro Sanford kaya hindi ko mahanap aantayin ko na lang na matapos 'yun sa Wattpad.
BINABASA MO ANG
Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]
Narrativa generaleUNEDITED.... Isang babaeng nerd ang nagtranfer sa Dela Vega Academy. Makapal na eyeglass, may retainer at maluwag na uniform-ganyan idescribe ang nerd. Siya si Nicole Samantha Salvador- ang campus nerd na matapang, matalino at walang inuurungan. Sa...