A/N:
Sorry for wrong grammars and typosPlease vote,comment and be a fan
Hope you'll like it
1.6k words
~♥~
Nicole Samantha Salvador's POV
Natapos ang first week namin ng puro practice ng sayaw para sa entertainment namin.
Ngayon naman na second week na ay magpapagawa na kami ng susuotin namin.Nandito ako ngayon sa boys dormitory. Dalawa lang pala ang kwarto kada isang dorm dito kaya doble ang taas ng dorm ng mga lalaki sa babae.
Wala si Bryan dito na dormmate ni Xander kaya ang sabi niya ay pumunta na lang daw ako dito.
Nagdala na rin ako ng pagkain ko syempre. Every Saturday pinupuno ko ang ref ko kasi mabilis maubos ang laman. Takaw ko di ba?
"Dito na lang ba papapuntahin ang designer na'tin?" Tanong ko habang kumakain ng tobleron ko.
"Yeah." Simpleng sagot niya habang nagcecellphone siya.
"Hindi ba tayo pwedeng lumabas ng academy at sa restaurant na lang magkita. Tsaka isang designer lang ang kilala ko at galing pa siya sa Manila baka matagalan ang pag-"
He cut me off. "Bakit nasa Manila?"
"Ha? Eh kasi doon kami nakatira eh. 6 years old ako noon ng lumipat kami doon. Bakit mo natanong?" Sagot ko.
"Kaya pala nung pinahanap kita dito sa Tagaytay noon hindi ka makita. 'Yun pala nasa Manila ka rin. Shit talaga." Bulong niya. Pero ang narinig ko lang ay noon at talaga.
"Ha?"
"Wala. Sabi ko parating na 'yung designer ko na malapit lang dito sa Academy. Sa kaniya na lang tayo magpagawa. Para sabay dumating." Sagot niya.
"Nakakahiya naman para sa kaniya eh designer mo 'yun." Sagot ko.
"Eh kaysa naman papuntahin mo pa ang designer mo dito na malayo anv byahe edi natagalan pa at baka hindi pa makuha ang gown sa tamang oras." Sabagay may point siya.
"Eh hindi ba nakakahiya sa designer mo?" I asked.
"Hindi." Simpleng sagot niya.
Maya-maya lang ay may nagdoorbell sa dorm niya.
"Sino 'yun?" Tanong ko.
"Yung designer." Ang bilis naman.
Narinig ko ang pagbukas, sara ng pinto at doon nagsipasukan ang limang bisita. 3 babae 2 bakla. Sila yata ang magsusukat sa'min at gagawa ng suit namin. Ang dami kala ko isa lang.
"Okay, girls sukatan niyo muna si?" Tumingin naman sakin yung isang bakla.
"Nicole po." Sagot ko.
"Si Nicole. And Nicole ako nga pala si Barbie, wag ka ng mag-po at opo sa'kin. Nagmumukha akong matanda eh. Tawagin mo na lang akong barbie." Sabi niya, mabait pala akala ko masungit.
"Sige, Barbie." Sabi ko kahit medyo parang walang respeto eh.
"Ayan! By the way ang ganda mo, Nicole. Bagay kayo nitong si Alexander." Sabi niya. Napalingon naman ako kay Xander na parang pinipigilang tumawa.
BINABASA MO ANG
Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]
Fiksi UmumUNEDITED.... Isang babaeng nerd ang nagtranfer sa Dela Vega Academy. Makapal na eyeglass, may retainer at maluwag na uniform-ganyan idescribe ang nerd. Siya si Nicole Samantha Salvador- ang campus nerd na matapang, matalino at walang inuurungan. Sa...