CHAPTER 16 - CONFESSION

618 30 2
                                    

Nicole Samatha Salvador's POV

Pagkatapos kong dumaan sa PR (private room) ng Atrocious Gang ay dumiretso agad ako sa dorm. Oo, may PR agad kami. Thanks to Bryan.

Medyo na-control ko na rin ang ugali ko. I mean medyo lumamig na rin ang ulo ko dahil nakainom na ako ng favorite kong milk tea at nakakain ng chocolates.

Pagkapasok ko sa dorm ay nandoon sina kambal.

"Nicole, sorry na. Hindi naman namin kinakampihan si Cathy eh." Sabi agad ni Jane ng makita niya ako.

Nanatili pa rin ang emotionless kong mukha.

"Uy, Nicole kahit isang emotion lang sa mukha ilabas mo please. Sorry na kasi. Kaya lang naman ganun ang naging reaction namin kasi gusto namin na malaman mo na mali ang ginawa mo, dahil pwede mong ikapahamak 'yun. Gaya kanina, buti na lang hindi natuloy ang pagsugod niya sa'yo dahil nandyan ang gang na kakabuo niyo lang. Sorry na please." Sabi ni Jane.

Kaya unti-unting bumubuo ang ngiti ko na nauwi sa tawa dahil sa reaction niya.

"Bakit ka natawa?" Nakasimangot na sabi ni Jade.

"Alam niyo hindi naman ako galit eh. Nagtatampo pwede pa. Pero okay na 'yun apology accepted." Sabi ko kaya niyakap nila ako. Natawa na lang ulit ako.

Nang biglang nagsilabasan ang iba galing sa kitchen huling-huli si Luke na may dalang matcha flavor ice cream.

"Sorry rin."

"I'm really sorry."

"Please patawarin mo kami."

Sabay-sabay na sabi nila kaya natawa ulit ako.

"Apoligy accepted. Except sa'yo." Sabi ko sabay turo kay Luke. Kaya naglakad na ulit ako papunta sa kwarto para magbihis.

Pero bumalik din ako ng maalala ko 'yung ice cream.

"Akin ito, walang sa'yo." Sabi ko then rolled my eyes.

Narinig ko naman silang nagtawanan at tinukso si Luke.

"Uy, Sam! Sorry na nga kasi eh!" Pahabol niyang sabi bago ako makapasok.

"Heh!" Sabi ko sabay sara ng pinto.

Pero binuksan ko ulit. "Salamat sa ice cream." Then sinarado ko na ulit.

Pero binuksan ko ulit. "Pero kung madalhan mo ako ng maraming ice cream na puro matcha. As in may malaking freezer pa kagaya ng lagayan ng ice cream sa super market na may nakalagay na buong pangalan ko. BAKA SAKALI mapatawad kita." Sabi ko sabay sara ng pinto.

Binuksan ko ulit. "Last na ito. Hanggang bukas lang." Then sinarado ko na ng tuluyan at nagbihis na ng pantulog ko dahil 6pm na rin naman. Then kinain ko 'yung ice cream. Yummy!

K I N A B U K A S A N

Nagising ako ng maaga kahit wala kaming pasok ngayon. October 30 to November 3 ay wala kaming pasok. One week na pahinga ang binigay sa'min dahil napagod ang iba para sa paghahanda noong anniversary. Dadagan pa na holiday ngayon.

Lumabas na ako ng kwarto at naabutan kong kumakain sina Jane at Jade.

"Good morning!" Sabay-sabay na bati namin kaya nagtawanan kami.

Habang kumakain kami ay may nagdoor bell.

"May inaasahan ba tayong bisita?" Tanong ko pero nagkibit balikat lang sila kaya sabay na kaming pumunta sa pinto.

Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon