Alexander Luke Dela Vega's POV
It's Sunday, and we're celebrating our triumph yesterday.
Nandito kami ngayon sa favorite ni Sam na Korean restaurant at nagke-kwentuhan kami.
"Girl, gusto mo ba makita 'yung itsura ni gaya-gaya girl noong false alarm lang pala ang pagkapanalo niya?" Tanong ni Jane. Kasama pa rin namin ang mga kaibigan ni Sam sa Manila. Nag-stay lang sila sa hotel na malapit sa Academy then kanina pumunta ulit sila.
"Sige!" Masiglang sagot ni Sam.
Habang nagpa-play ang video doon sa part na nagkamali ng announce si Grandma ay tawang-tawa kaming lahat. Dahil 'yung itsura ni Cathy ay hindi na maipinta.
"She deserve it. She's so gaya-gaya kasi. Then buti nga to her that her face sub-sob to the floor." Sophia commented.
"Agree." Sagot naman ni Margaux, yung kaibigan din ni Sam.
"Alam niyo ba na hindi lang 'yun ang inabot ni Cathy kay Sam?" Sabi ko.
"Weh? Ano pa dali kwento ka naman." Excited na tanong ni Jane.
"Tinulak ko siya sa backstage kaya ayun dumugo ang ilong." Sagot ni Sam pero sila lang ni Bryan ang tumawa. Kahit ako hindi rin natawa dahil maraming pumasok sa isip ko na pwedeng mangyari. Lahat kami naging seryoso.
"Bakit mo ginawa 'yun, Sam? Hindi ka naman ganun ah." Sabi ni Mark.
"What? But she deserve it." Sagot naman ni Sam at ininom 'yung ice tea niya.
"Yeah, she deserve it. Buy what if hindi lang 'yun ang nangyari sa kaniya dahil sa pagtulak mo? What if pagkatulak mo may tumama sa ulo niya. Edi ikaw naman ngayon ang napahamak." Sabi ni Mark.
"Woah... OA much? But I don't care." Sagot ulit ni Sam.
Parang may nagbago sa kaniya? Palaban siya at matapang, alam ko 'yun pero may nagbago talaga eh.
"Kinakampihan niyo ba siya?" Tanong ulit ni Sam at sumeryoso na ang mukha niya.
"No, hindi naman–"
"Pero 'yun ang lumalabas eh. Wala akong pakialam sa kaniya kahit mamatay pa siya doon. Dahil deserve niya 'yun." Sagot niya at umalis na.
"What happened to her? Parang hindi na siya si Nicole na nakilala namin noon sa Manila." Sabi ni Margaux.
"Yeah." Simpleng sabi ni Andrew. Akala ko pipe siya eh.
"Tara sundan na'tin. Baka kung anong magawa nun." Sabi ni Clyde kaya agad kaming sumunod.
Pero hindi na namin siya naabutan.
"Nasaan na siya? Sa milktea shop kaya?" Tanong ni Jane kaya pumunta agad kami sa milktea shop kung saan doon siya laging nabili.
Pero wala pa rin siya.
"Sa chocolate shop." Suggest ni Jade. But she's not there too.
"Sa dorm niyo kaya?" I suggested.
Kaya agad kaming pumunta sa girls dormitory.
BINABASA MO ANG
Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]
Genel KurguUNEDITED.... Isang babaeng nerd ang nagtranfer sa Dela Vega Academy. Makapal na eyeglass, may retainer at maluwag na uniform-ganyan idescribe ang nerd. Siya si Nicole Samantha Salvador- ang campus nerd na matapang, matalino at walang inuurungan. Sa...