CHAPTER 24 - MERRY CHRISTMAS

555 25 0
                                    

Nicole Samantha Salvador's POV

"I-ikaw at si A-al ay iisa?" Nauutal na tanong ko kay Luke. "Pero imposible-" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko 'yung kwintas sa leeg niya.

"Sorry kung di ko agad sinabi sa'yo. Gusto ko lang naman sana na kahit wala ang tulong ko ay maalala mo ako dahil sa loob ng isang linggong pagkakaibigan na'tin ay marami tayong masayang memories na makakatulong sa'yo." Paliwanag niya.

Tumulo ulit ang mga luha ko, "so all this time 'yung taong hinahanap ko ay nasa harap ko lang?"

Tumango naman siya. "Yes." Malumanay na sagot niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatayo na ako sa kama ko at niyakap siya. "How dare you? Bakit di mo sinabi sa'kin?" Umiiyak na tanong ko sa malumanay na boses.

"I'm sorry. I'm really sorry Sam." Sabi niya at niyakap na rin ako pabalik.

Nang bumitaw ako sa yakap ay humarap ako sa kambal na ngayon ay umiiyak na rin.

Kapagkuwan ay bigla nila akong niyakap. "Nicole sorry. Sorry kung di namin sinabi sa'yo ni Jade na alam namin na si AL at si Alexander ay iisa." Umiiyak na sabi ni Jane.

Kumunot naman ang noo ko. "So alam niyo rin?"

"Oo. Naikwento na kasi ni Alexander sa'min. Sorry kung di namin sinabi sayo." Sabi ni Jane na nakayuko.

I smiled and I hug them na ikinagulat nila, "it's okay. Don't worry hindi ako galit." Sabi ko kaya agad nila akong niyakap.

Nang bigla akong napatingin calendar na nasa dingding ng ospital, nang maalala ko na magpapasko na nung nauntog ako. "Mama anong araw na po? At anong oras na po?" Tanong ko.

"December 25 na baby at," tumingin si Daddy sa wrist watch niya, "8:26am na."

Nanlaki ang mata ko ng malaman ko na pasko na. "Di ba po may Noche Buena tayo. Tinuloy niyo po ba?"

"Hindi na natuloy nang mag12 am na pero pwede naman tayong magnoche buena kahit late na eh. Lalo na ngayon na bumalik na ang alaala mo." Sagot ni Mommy.

"Talaga po?" Tumango naman si Mommy, "pwede po ba na'tin i-invite sina Bryan-"

"'Wag na!" Naputol ang sasabihin ko ng sumingit si Luke na nakasimangot.

"At bakit? Kaibigan na'tin sila kaya walang masama." Nakapameywang kong sabi.

"K-kasi a-ano-"

"Kasi nagseselos ka!" Sabay na sabi ng kambal kaya hindi ko na napigilan na mapahalakhak ng tawa dahil sa naging reaction ni Luke, kasi para siyang natataranta sa itsura niya.

"At bakit ka tumatawa, Sam? Kung makatawa parang walang bukas ah." Sabi nito.

"HAHAHA...K-kasi... HAHAHA... Y-yung itsura mo...HAHAHAHA...nakakatawa eh." Sabi ko habang natawa pa rin kaya mas lalo pa itong napasimangot.

Sasagot na sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng ospital room ko. "Bestieee!!!" Umalingawngaw sa bawat sulok ng kwarto ang sigaw ni Sophia. "OMG! Bestie, are you okay? Are you hurt or something. Just sabi on me if your hurt. Are you okay na ba? What happen to your ulo? Why naman may bandage your ulo? Do you have a bukol?" Sunod-sunod na tanong ni Sophia na ko-conyo conyo pa rin.

"Bestie, okay lang ako. Naalala ko na nga lahat eh kaya wag ka na magalala." Sabi ko kaya bigla niya akong niyakap.

Kitang-kita ko sa likod si Mark na naka-akbay kay Margaux na nagrolled ng eyes at si Andrew na wala pa ring reaction ang mukha. Wait! Si Mark naka-akbay kay Margaux.

Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon