Nicole Samantha Salvador's POV
First day of school na. Buti na lang hindi ako puyat kagabi kasi simula nung Saturday ay lagi ko ng kasama sina Jane at Jade syempre ka-dorm ko. Nalaman ko rin na si Jane ang pinakamakulit sa kanilang dalawa at mas madaldal. Si Jade kasi tahimik lang and maldita daw talaga siya sabi ni Jane. Pero mabait naman daw si Jade, it's just that hindi na daw gaya noon kasi nagbago daw siya.
Nalaman ko rin na marami na silang napabago na mga nerd dito na binully rin. Take note nagiisa lang ang bully dito pero malupit daw kung mambully.
Alam niyo kung anong rason nung bully? Ayaw niya sa nerd. Ang babaw 'di ba? Mapababae o mapalalake takot sa kaniya. Kaya walang may lakas ng loob na maging bully na rin, siya lang talaga.
Lahat ng lalaking nerd noon ay siya rin ang nagpabago, naging barkada na niya ngayon 'yung mga nerd na lalaki noon.
Sabi sa'kin ni Jane 'yung mga kaibigan niyang nerd noon ay mababait lalo na sa mga katulad kong nerd. Kasi naranasan na rin daw nila ang pagiging nerd noon kaya naiintindihan nila ang iba pang nerd.
Sadyang 'yung bully lang talaga ang matigas.
"Nicole kagaya ng sinabi namin sa'yo na kapag napaiyak ka ng tatlong beses ng bully na iyon magbabago ka na as a campus princess. Is that clear?" Sa totoo lang ayokong maging 'campus princess' mas gugustuhin ko pang maging nerd kasi wala masyadong makakapansin sa'yo. Pero dahil sa bully na iyon ay mapapabago ako. Pero hinding-hindi niya ako mapapaiyak. Matapang ako at palaban.
"Clear." Sagot ko.
"Okay sige na magbihis ka na."
Pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis na ng uniform.
Sa una ayokong suotin 'yung uniform na si Jade mismo ang pumili.
Kasi nerd ako tapos 'yung uniform ko pang 'Campus Princess' mas gusto ko 'yung oversize.
Kung idedescribe ko 'yung uniform namin, white blouse na fit sa'kin, blue plain necktie, blue coat, blue palda na maikli na may dalawang stripe na puti na pa horizontal na paikot sa ibaba ng palda at puting ankle boots na may 3 inches na takong. Parang korean uniform lang di ba? Kaya hindi bagay sa'kin.
Tapos si Mommy pala ang nagimpake ng mga damit ko na pinadala dito kaya ang laman puro dress na fit. Buti na lang nagdala ako ng shirts at pants.
Gustong-gusto kasi talaga ni Mom and Dad na hindi ako maging nerd eh. Kaso ako ang may gusto kaya hindi nila ako mapipilit.
Kahit 'yung bully na iyon hindi niya ako mapapaiyak.
Paglabas ko ng kwarto ay nandoon na sila Jane at Jade sa sala na nakatayo.
Ang ganda nila sa uniform namin. Bagay na bagay sa kanila kasi may curve sila.
"Wow, Nicole ang sexy mo pala?" Puri ni Jade. Wala sa sariling napatingin ako sa sarili ko.
Ako? Sexy?
"Lapit ka sa'kin Nicole." Lumapit naman agad ako kay Jade.
Pinatalikod niya ako at tinalian ang wavy kong buhok at mabaha ng ponytail.
"Ayan. Perfect. Kulang nalang tanggalin ang eyeglass at 'yang brace mo. Kaso may tamang panahon para dyan." Sabi ni Jane.
May nilagay pa nga silang kung ano sa labi ko eh. Ano bang alam ko sa ganun? Pulbo lang naman ang alam kong ilagay sa mukha ko.
"Okay na tara na." Sabi ni Jade.
Kinuha ko na iyong backpack kong color sky blue. Kaya match sa uniform ko. Ganun din sina Jane–yellow ang color ng bag niya at Jade–white naman ang kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/243827402-288-k581723.jpg)
BINABASA MO ANG
Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]
Ficção GeralUNEDITED.... Isang babaeng nerd ang nagtranfer sa Dela Vega Academy. Makapal na eyeglass, may retainer at maluwag na uniform-ganyan idescribe ang nerd. Siya si Nicole Samantha Salvador- ang campus nerd na matapang, matalino at walang inuurungan. Sa...