CHAPTER 17 - SHAIRA IS BACK AND I LOVE YOU

603 26 0
                                    

A/N:

Please vote comment and be a fan

~*~

Alexander Luke Dela Vega's POV

Isang buwan. Isang buwan na akong nanliligaw kay Sam. Yes! Isang buwan na ang lumipas kaya malapit na ang pasko. At buti na lang ay hindi pa bumabalik si Shaira.

Nandito kami ngayon sa room. December 4 pa lang naman, at Lunes kaya may pasok pa rin kami.

"Sam?" Pagtawag ko pero hindi siya tumitingin sa'kin dahil nagbabasa siya sa cellphone niya habang umiinom ng paborito niyang milktea.

"I love you." Bulong ko sa kaniya kaya napaharap siya sa'kin at kitang-kita ko na namumula ang mukha niya.

"Thank you." Sagot niya at tumingin ulit sa cellphone niya. Napasimangot naman ako. Sabi niya kasi kapag nag-I love you na siya ay sinasagot na niya ako.

"Sam?" Tawag ko ulit.

"Hmm?"

"Malapit na birthday ko."

"Oh? Kailan?" Sagot niya kaya napatinigin naman ulit siya sa'kin.

"Sa December 10." Sagot ko.

"Sa Sunday na 'yun ah. Anong gagawin mo sa birthday mo? Gusto mo mag-celebrate tayo?"

"Sige!" Dali-daling sagot ko.

"Okay. Sa Sunday ay birthday mo kaya may regalo ako sa'yo. Sasagutin na kita." Sabi niya pero di ko narinig ang huli niyang sinabi.

"Ha? Ano sabi mo?" Tanong ko.

"Sabi ko may ireregalo ako sa'yo."

"'Yung huli mong sinabi?"

"Ha? Ano ba sinabi ko?" Hindi eh, sigurado ako may sinabi pa siya eh. Or baka wala talaga.

"Wala." Sagot ko.

Maya-maya lang ay pumasok ang adviser namin. First subject pa lang ah.

"Class!" Sigaw niya kaya lahat ng kaklase namin ay tumingin sa kaniya. "Mayroon tayong nagbabalik na studyante." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Ma'am Perez. Naramdaman ko naman na may pumatong na ulo sa balikat ko pagtingin ko ay si Sam iyon at humikab siya.

"Sino po Ma'am?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Ako." Napatiningin ako sa pinto at doon pumasok si Shaira.

"Shit!"

"Fuck!"

"Bakit siya bumalik?"

"Anong ginagawa niya dito?"

Iilan lang 'yan sa mga narinig kong sabi ng mga kaklase ko.

Napatingin lahat ng kaklase ko sa pwesto namin ganun din si Shaira. Kaya ang nakita nila ay nakapatong ang ulo ni Sam sa balikat ko. Gusto ko man tanggalin ay hindi ko kaya.

Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon