CHAPTER 12 - SCHOOL ANNIVERSARY PREPARATION (LAST WEEK)

630 31 0
                                    

Nicole Samantha Salvador's POV

Sa wakas last week na ng practice. Maririnig ko ng kumanta si Xander.

Dahil last week na lang ay busy na rin sina Jane at Jade, tunulong na rin sina Bryan, Clyde, at Zane.

Nandito kami sa music room para magpractice.

Kasalukuyang kinokonect ni Xander ang bluetooth ng cellphone niya sa speaker. At ipa-play niya ang karaoke version ng Imagine You and Me sa youtube. Kabisado ko na ang part ng kakantahin ko kaya hindi na ako mamomroblema. At parang ganun rin naman si Xander.

Ipa-play na sana niya ng magring ang cellphone.

"Sorry." Tinignan ko kung sino ang caller at nakita kong si Dad iyon. "Sagutin ko lang ah." Tumango lang siya bilang sagot.

Calling...
DAD

"Hello, Dad. Kamusta po?"

(Ito kalalabas lang ng Mommy mo sa delivery room. Nanganak na siya.)

"Wow. Buti di ka nagpanic, Dad." Sabi ko at sinundan ng tawa.

(Kung alam mo lang baby kung paano ako nagpanic sa bahay kanina. Halos batuhin na ako ng Mommy mo ng kung anong mahawakan niya kasi hindi ko alam kung anong gagawin, kaya nagpabalik-balik ako ng lakad sa harap niya.) Sagot ni Dad kaya natawa ako. Nakwento kasi sa'kin ni Mommy noon na hinimatay daw si Dad ng manganganak na si Mommy sa'kin.

"Okay na 'yun, Dad kaysa naman hinimatay kayo kagaya ng kwento ni Mommy. By the way 'yung picture Dad ah." Paalala ko.

(Ay! Oo nga pala. Sesend ko na lang sa'yo. Kapag nandito na si baby Savannah Nellisa Salvador.) Sagot ni Dad na proud na proud habang binabanggit ang pangalan ng kapatid ko.

Napangiti naman ako. "Nice name, Dad. Savannah Nellisa Salvador na may magandang kapatid na Nicole Samantha Salvador. Ang galing Dad ah ako N.S ang initials ng name ko tapos si baby Nellisa, S.N" sabi ko kaya natawa naman si Dad.

(Ano pala ginagawa mo diyan. Hindi ka ba pumasok?) Shoot! Hindi ko pala nasabi sa kanila na sasali ako sa pageant ng school.

"Ay! Dad nakalimutan ko pa lang sabihin sa inyo na kasali ako sa pageant ng school anniversary. Nakalimutan ko kasi masyado kaming busy sa pagpaparactice eh. Sa 28 na kasi 'yun. Sayang di kayo makakapunta kasi kakapanganak pa lang ni Mommy. Pero okay lang sa christmas break naman magkakasama na tayo kasi malapit na kayo sa'kin, dahil babalik na kayo dito sa Tagaytay. Kailan pala kayo babalik,Dad?" Mahaba kong sabi.

(Babaeng babae na talaga ang baby Sammy ko kasi sasali na sa pageant sayang di kami makakapunta. Pa-video mo na lang sa kaibigan mo diyan. Then send mo sa'kin para mapanood namin ng Mommy mo at ni baby Savannah. Good luck. Makakauwi kami diyan next month kasi kailangan pa magpahinga ng isang buwan ni Mommy mo para makabawi siya ng lakas– nandito na po ang baby niyo. O siya baby Sammy ibababa ko na. Send ko na lang sa'yo ang picture ni baby Savannah. Good luck bye." Mahabang sabi ni Daddy.

Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon