Nicole Samantha Salvador's POV
Kasalukuyan akong naghahanda para sa Masquerade Party. Ang theme ng party ay Gold, Silver, black at white. Si Jane ay silver at white ang kulay ng gown at mask. Then si Jade ay Black and White ang gown at mask.
Bago ako lumabas ay nagmakeup muna ako. Light makeup lang dahil gabi na rin naman. 10 pm ang umpisa hanggang sa mag-12. May kasabihan kasi ang school na kung sino ang huli mong makakasayaw hanggang 12 ay ang makakasam mo habang buhay.
Lumabas na ako sa kwarto habang sinusuot ko ang mask ko. Paglabas ko ay nandoon na sina Jane at Jade na naka-mask na rin.
"Lets go?" I asked.
"Tara!" Sabay na sabi nila.
Pagkarating namin sa event hall ay agad naming nakita ang tatlong lalaki na nakatuxedo.
It's Bryan, Clyde and Zane.
Wala si Luke.
Lumapit si Clyde kay Jane kaya napangiti ako. May something sa kanila matagal ko ng napansin 'yun pero pareho silang pilit iyong tinatago.
Napatingin naman ako kina Jade at Zane.
"Jade." Sabi ni Zane kaya napatingin naman si Jade sa kaniya.
"Ahm... Zane?" Nagtatakang tanong ni Jade.
Alam ko na rin kung sino ang tinutukoy na first love ni Zane sa site ng Dela Vega Academy na nagpabago sa kaniya, dahil 'yung first love niya ay bigla ring nagbago at 'yun ay si Jade.
"Can I have this dance?" Tanong ni Zane at ngumiti.
"Wait." Pangsingit ko sa moment nila. "Ngumiti si Zane?" I asked. Si Zane kasi ang tipo ng tahimik at hindi palangiti parang si Andrew lang. Pero ngayon ngumiti siya.
"'Wag ka ng magtanong girl. Si kambal lang naman ang nakakapagpangiti kay Zane eh. Hayaan mo na sila sa moment nila." Sabi ni Jane kaya umalis na ako.
Napatingin naman ako sa isang lalaki na kilalang-kilala ko kung sino.
"Hey, Bryan." Bati ko ng makalapit kami sa kanila.
"Ha? Sorry, Miss but I don't know you?" Napanguso naman ako sa sagot niya.
"Ang sama mo sa'kin. Ako nakilala agad kita tapos ikaw di mo ako nakilala." Sabi ko at tumalikod na.
"Uy, Nicole di ka naman mabiro eh." Sabi niya habang hawak niya ang braso ko kaya humarap na ako sa kaniya.
Pabiro ko siyang sinuntok sa dibdib. "Ang sama mo talaga. Nasaan nga pala si Luke?" Tanong ko.
"Ahm... I don't know. Anyways sayaw tayo?" He asked and offer his hand.
"Sure." Sagot ko. Wala pa naman si Luke eh.
Dito sa event hall ay pwede kang magsayaw hanggang 12 kung may partner ka. Pero kung ayaw mo naman ay may catering naman kaya pwede kang kumain.
Habang nagsasayaw kami ay may lumapit na lalaking naka-black tuxedo at naka-full mask. Akala ko ba half lang ng face ang dapat matakpan?
"Hi!" Bati niya.
Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magsalita siya. Pamilyar ang boses niya hindi ko lang alam kung kanino ko narinig.
"Ahm... Your voice is familiar nakakilala na ba tayo?" I asked him.
"Sam." Nanlaki ang mata ko ng binanggit niya ang pangalan ko.
Dalawang tao lang ang tumatawag sa'kin ng Sam. Si Luke at 'yung batang bestfriend ko... Si AL.
Wala sa sariling napatingin ako sa leeg niya at doon ko nakita ang silver na necklace na may heart pendant na may nakatusok na bala ng pana at initials na A.L
"AL? I-ikaw ba 'yan?" Biglang tumulo ang mga luha ko ng tumango siya. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit naramdaman ko na hinalikan niya ang noo ko.
"Sam." Banggit niya ulit sa pangalan ko pero this time ay alam ko na kung kaninong boses ang familiar. Kay Luke.
"AL? I-ikaw ba talaga ang bestfriend ko?" Tumango lang siya. "Kung ikaw nga tanggalin mo nga ang mask mo." Hindi siya gumagalaw kaya akmang ako na ang magtatanggal pero lumayo siya sa'kin at dali-daling tumakbo palabas ng event hall.
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Nang magsink in na sa'kin ang lahat ay agad akong lumabas ng event hall. Narinig kong tinawag ako ng mga kaibigan ko pero di ko sila pinansin at hinanap ng mga mata ko kung nasaan si AL at doon ko nakita ang naglalakad na lalaki papunta sa likod ng event hall kaya sinundan ko ito.
"AL?" Tanong ko sabay hawak sa braso niya pero nagkamali ako.
Si Luke lang pala.
"Oh? Babe? Bakit ka nandito? Tsaka AL? 'Yung nasa panaginip mo na bestfriend mo?" He asked.
"Ahm... Yeah, sorry napagkamalan pa tuloy kitang si AL."
"It's okay." He said then kiss my forehead. Parang si AL siya kung humalik. "Bakit mo pala ako napagkamalang si AL? Nandito ba siya?" Tanong niya.
"Oo, nakita ko siya. Pareho kayo ng tux kaya napagkamalan kong ikaw si AL. Pero hindi ko nakita ang mukha niya dahil naka mask–" napatigil ako sa pagsasalita ng may makita nanaman akong naka-black na tux na napalingon sa gawi namin at nakita kong nakamask rin siya. Kagaya ng mask ni AL.
"AL?!" Sigaw ko pero tumakbo siya papunta sa likod ng event hall kaya sinundan ko ito, pero agad din akong natigil sa pagtakbo ng tinawag ako ni Luke.
"Sam? Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Luke, nakita ko ulit siya. Susundan ko siya." Sabi ko at tumakbo na ulit pero sumunod lang siya sa'kin. Tinanggal ko ang heals ko dahil mahirap tumakbo. Kaya hinawakan ko na lang ito na agad ring kinuha ni Luke at siya ang humawak.
Nang makalapit kami sa lalaking nakamask ay tinawag ko siya.
"AL?" Agad akong napatingin sa leeg pero wala na ang kwintas doon. "Sorry." Sabi ko at nagumpisa ulit maglakad ng may napansin nanaman akong lalaki na gaya ng suot ni AL.
Lumapit ako at kinalabit ko siya at agad na tinignan ang leeg niya pero walang kwintas.
Pumunta ako sa likod ng event hall pero walang tao.
"AL?! NASAAN KA NA BA?! MAGPAKITA KA NA! WAG MO NAMAN AKONG PAGLARUAN OH!" Sigaw ko.
"Sam." Napalingon ako kay Luke dahil tinawag niya ako. Magkaboses sila ni AL. "Look." Sabi niya at parang may tinitignan siya kaya napatingin na rin ako sa tinitignan niya at doon ko nakita na may mga lalaking pare-pareho ang tux at mask. "This is a trap." Sabi ni Luke.
"H-ha? T-trap. Para saan? S-si AL ba a-ang may gawa n-nito?" I asked.
He shrugged his shoulders. "I don't know." Bigla niya akong niyakap ng parang may binunot sa bulsa ang mga lalaki.
Napapikit naman ako dahil sa takot ko na baka katapusan na namin. "Luke, a-anong nangyayari?" Tanong ko dahil nakaharap ako sa dibdib ni Luke kaya hindi ko makita ang nangyayari.
Unti-unting lumuluwag ang yakap sa'kin ni Luke kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko.
"Sam, I think you need to see it." Sabi niya.
Kaya unti-unti niluluwagan ang yakap ko kay Luke at nilingon ang mga lalaki kanina.
May mga hawak na silang papel at may nakasulat dahilan para maiyak ako.
'S. E. E. Y. O. U. S. O. O. N'
♡
BINABASA MO ANG
Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]
Fiksi UmumUNEDITED.... Isang babaeng nerd ang nagtranfer sa Dela Vega Academy. Makapal na eyeglass, may retainer at maluwag na uniform-ganyan idescribe ang nerd. Siya si Nicole Samantha Salvador- ang campus nerd na matapang, matalino at walang inuurungan. Sa...