CHAPTER 27 - SAVING NICOLE

568 19 0
                                    

Nicole Samantha Salvador's POV

Pagka-off ng tawag ay agad akong naghanap ng matataguan. Pero dahil madilim ay wala akong makita ng maisipan kong i-on ang flashlight.

Pinalibot ko ang tingin ko at wala akong ibang makitang kahit ano sa loob maliban sa pinto, closet at mga kahoy na kahon.

Agad akong naghanap ng pwede kong matataguan dahil baka pagbukas ko ng pinto ay may mga bantay sa labas.

Tinignan ko ang closet pero di ako kasya. Kaya pumunta ako sa kahon at wala rin akong nakita. Papaalis na ako ng tumama sa kahon ang paa ko.

"Shit!" Mura ko ng sumakit ang paa ko. Dahil sa naka pointed heels ako ay parang naipit ang mga daliri ko sa paa ng tumama sa kahoy.

Tumingin ako sa kahoy at akmang sisipain ko ulit ng may napansin ako sa ilalim nito. Naurong ng kaunti ang kahoy at dahil may flashlight ako ay nakita ko na parang may pinto ang sahig.

Kaya buong lakas kong tinulak ang kahoy at doon ko nakita na may pinto nga. Binuksan ko ito ay bumungad sa'kin ang parang may hagdan.

Natatakot man pero kailangan kong makapagtago kaya bumaba ako sa hagdan. Bago ako makababa ay binalik ko sa pwesto ang box para di halata na may pinto dito.

Pagpasok ko ay bumungad sa'kin ang isang labasan. Dali-dali akong pumunta sa malapit at nakita ko ang dagat. Nasaan ba kasi kami? At bakit ako kinidnapped ni Bryan.

Sa pagkakaalala ko kasi kanina ay sinakay ako sa van at doon ko nakita sina Shaira at Bryan na nakangisi then bigla na akong nawalan ng malay.

Sumilip ako sa maliit na lusutan at wari ko'y kasya naman ako. Pero dahil sa takot na baka may mga tao sa labas ay hindi na ako lumabas.

Sinilent ko ang phone dahil baka may tumawag at marinig pa ito sa labas. Then pinatay ko na rin ang flashlight dahil 4:00 pm pa lang naman at maliwanag pa.

Ang tanga ng naglagay ng cellphone sa lapag dahil wala itong password kaya nakatawag ako kay Luke.

Maya-maya lang ay may narinig akong naguusap sa labas. Sabi na eh may bantay doon eh.

Sumilip ulit ako at may mga paa na. Paano nagkapaa dyan? At may parang lamesa na. Kagaleng!

"Bryan nawawala si Nicole." Nagpapanic na sabi ng boses sa labas.

"Ano?! Paano?!" Rinig kong boses babae kaya alam kong si Shaira 'yun.

"Hindi namin alam. Wala na rin ang cellphone." Sabi ulit ng boses sa labas.

Dahil sa takot na baka matrace nila kung nasan ako ay inoff ko ang bluetooth at location button.

Sana walang makapansin na nandito ako.

Alexander Luke Dela Vega's POV

"Natawagan ko na sina Mommy at Daddy at papunta na daw ang mga pulis sa sinabi mong lugar." Sabi ko kay Tyrell.

"Okay yan." Sagot niya.

Nakatutok lang ako sa red dot at gumagalaw ito ng biglang nawala ang red dot.

Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon