CHAPTER 02-MEET HER FRIENDS IN MANILA

1K 47 0
                                    

Nicole Samantha Salvador's POV

Tuesday na. May program nga pala. 'Wag na lang kaya ako pumasok? Ay! May attendance pala 'yun.

Bumangon na ako para makapaghanda na sa pagpasok sa school. 7am palang naman ang pasok namin ay 9am kaya may dalawang oras pa ako para mag-ready. Since may program ngayon ay pinag- civilian lang kami. Kaya ang isusuot ko na lang ay purple plain t-shirt, black pants at white Fila shoes.

Tutal ipapakilala lang naman ang mga freshmen at transferee sa buong school na gaganapin sa event hall.

Napuntahan ko na ang event hall at malawak iyon. Doon ginaganap ang mga party, programs ng school at events. Gaya ng aquintance party, js prom, foundation day, Mr.&Ms Intrams, Valentine' Day, at kung ano-ano pa.

Basta ang lawak ng school na ito. Ano pa kaya sa Dela Vega University? Maraming building doon panigurado dahil maraming courses na pagpipilian. Hindi ko maimagine kung gaano kalawak ang school na iyon.

Lumabas na ako ng kwarto ko para mag-breakfast.

"Good morning Jane. Nasan si Jade?" Tanong ko ng makaupo na ako dinning room.

Nasabi ko na ba sainyo na malawak ang dorm na ito? Kung hindi pa pwes, malawak po siya. Kumpleto rin may living room, may dinning room, kitchen, 4 na restroom (tig-isang restroom sa 3 kwarto plus ang restroom sa tabi ng kitchen), tapos 3 rooms, may 32 inches na T.V, may isang mahabang sofa at dalawang pangisahan lang, tapos may center table sa living room. Sa kwarto naman ay may single bed,may bed side table (na may nakapatong na lamp, alarm clock at doon ko rin pinapatong ang cellphone ko), may malaking closet at double door na refrigerator. Sinabi na rin sa'kin nina Jane at Jade na pareho lang kami ng laman ng kwarto. Ang pinagkaiba ay may maliit na book shelf sa kwarto ko kasi nandoon nakalagay ang mga libro ko.

"Nasa kwarto niya pa palabas na rin 'yun." Sagot niya.

As if on cue ay may narinig na kaming yapak papunta dito.

"Good morning guys." She greet while yawning. Halatang kakahilamos lang dahil basa pa ang buhok niya banda sa mukha niya.

"Kain na tayo Jade." Tumango lang si Jade at umupo na rin sa upuan.

Habang kumakain kami ay nagvibrate ang phone ko.

From: Mark<3

Ang daya mo talaga! Hindi ka manlang nagsabi na lumipat ka na agad. Akala namin by 2nd Quarter ka pa lilipat eh. Yun pala kahapon agad. Akala ko absent ka lang.

Si Mark Galvez, boy bestfriend ko na crush ko. Pero walang nakakaalam maliban lang sa'kin. Matagal ko na siyang kaibigan, since lumipat kami sa Manila siya ang una kong nakilala. Agad naman akong nagreply.

To: Mark<3

Sorry na. Eh nagmadali si Dad eh. Kapag pwede na kaming makalabas pupunta agad ako diyan sa Lee Academy.

Maya-maya lang ay sunod-sunod na pagvibrate na ang natanggap ko.

From: Mark<3

Siguraduhin mo lang. Kung hindi pupuntahan talaga kita diyan kahit na nasaang sulok ka pa ng Tagaytay. Isesearch ko sa Google Map ang address mo. Makita ka lang.

Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon