Nicole Samantha Salvador's POV
May mali ba sa'kin? May kulang pa ba sa'kin?
Ginawa ko naman ang lahat di ba? Ginawa ko ang lahat para mahalin siya.
Oo hinahanap ko si AL kahit alam kong nandiyan siya sa tabi ko. Pero ang tanga ko rin eh, sinabi ko ba naman sa harap niya na si AL ang first love ko. Ang tanga-tanga ko talaga.
Nandito ako ngayon sa parking lot ng school kasi may pinadalang sasakyan si Daddy para makauwi ako, ituturo na lang niya ang daan sakin habang maguusap kami mamaya sa phone dahil hindi siya makaalis sa bahay dahil kay Mommy. Marunong na akong magdrive kasi naturuan na ako ni Daddy noon. Student license pa lang ang mayroon ako.
Habang hinahanap ko ang sasakyan ko ay hindi ko mapigilang maluha dahil iniwan na niya ako. Nakipagbreak na siya sa'kin.
Habang naglalakad ako ay nakita ko na ang red lynkan hypersport. Kaya agad akong pumasok at doon ko inilabas lahat ng sama ng loob ko.
"AHHH!!! BAKIT GANON?! ANO BANG MALI SA'KIN? BAKIT KAILANGAN NIYANG MAKIPAGBREAK SA'KIN?"
Alexander Luke Dela Vega's POV
"OO! SI AL ANG FIRST LOVE KO. PERO SIYA NA ANG MAHAL KO NGAYON! Bakit iniwan rin niya ako? Bakit pati siya?" Mula dito sa labas ng sasakyan ni Sam ay rinig ko ang lahat ng sigaw niya. Medyo malayo ako sa sasakyan niya kaya hindi niya ako nakikita.
"Sam, I'm sorry. I'm really sorry. Ginawa ko lang ito para sa safety mo." Sabi ko habang tumutulo na rin ang mga luha ko.
"Alexander bakit ka naman nakipagbreak kay Nicole?" Tanong ni Jane.
Lahat kami nandito sa parking lot.
"Pero kailangan. Dahil sa nangyari sa pamilya ni Shaira gagantihan siya nito." Sagot ko.
-F l a s h b a c k-
"Break her heart, Alexander at titigilan ko siya. Hindi ko itutuloy ang paghihiganti ko sa kaniya." Sabi ni Shaira.
"But I can't do that. Why do you have to make a revenge on her? Ang pagbagsak ng pamilya niyo ay dahil sa kagagawan mo." Sigaw ko kay Shaira.
"Dahil sa kaniya naghihirap na kami ngayon. Lubog na kami sa utang." Sagot niya.
"Dahil sa kagagawan mo 'yun! Kung hindi mo sana tinulak si Sam sa hagdan edi sana mayaman pa rin kayo!"
"Whatever. Basta kung hindi mo siya sisirain emotionally ako mismo ang sisira sa kaniya physically."
-E n d o f f l a s h b a c k-
"Kaya ginawa mo 'yun?" Tanong ni Jade kaya tumango na lang ako.
BINABASA MO ANG
Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]
General FictionUNEDITED.... Isang babaeng nerd ang nagtranfer sa Dela Vega Academy. Makapal na eyeglass, may retainer at maluwag na uniform-ganyan idescribe ang nerd. Siya si Nicole Samantha Salvador- ang campus nerd na matapang, matalino at walang inuurungan. Sa...