CHAPTER 10 - SCHOOL ANNIVERSARY PREPARATION (1ST WEEK)

788 42 0
                                    

A/N:

Please vote, comment and be a fan

Hope you'll like it^_^

Sorry for the wrong grammars and typos

~♥~

Nicole Samantha Salvador's POV

Martes na. At nandito pa ako sa dorm dahil mamayang 10am ay may practice ng sayaw doon sa event hall. Doon gaganapin ang school anniversary.

Nandito pa ako sa kwarto naghahanap ng isusuot. Ewan ko kung ano isusuot ko eh.

Lord bigyan niyo naman ako ng idea kung anong isusuot ko.

Nang biglang may nagdoor bell. Ito na ba ang idea na 'yun ang bilis ah.

Pagkabukas ko ay bumungad sa'kin si...

Jane Valdez's POV

Ano kaya ginagawa ni Nicole ngayon? Hindi pa naman marunong 'yun sa fashion.

Hayst.

Napansin kong magisa lang si Bryan sa ipuan niya. Wala siyang katabi kasi nga nagpe-prepare sila Nicole atlexander sa pageant ng school. 10am ang practice nila sakto may one hour kaming breaktime sa oras na 'yun.

Kaso parang busy naman ang mga teacher para sa anniversary eh. Hindi pa kasi pumapasok 'yung prof namin sa first subject.

Dahil walang katabi si Bryan ay tinabihan ko na muna siya. Loner eh.

"Uy. Bryan, ang loner mo ngayon ah. Pwede ba umupo dito." Sabi ko. Tumingin naman siya sa gawi ko.

"Oo pwede naman. Wala naman si Nicole dyan eh." Sagot niya.

"Lalim ng iniisip mo kanina ah. Share naman." Pangungulit ko.

"It's not my story to tell you this but... Sasabihin ko na rin." Kumunot naman ang noo ko.

"Ha? Ano naman 'yun?"

"About doon sa first love ni Alexander." Automatic na nagsilapitan ang ulo ng mga kaibigan namin sa likod. Sino pa ba? Edi sina Jade,Clyde at Zane.

"What about her? Nahanap na ba niya? Nasaan siya? Saan nagaaral? Dali kwento na." Sunod-sunod na tanong ni Clyde.

"Chismosong ito." Sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Did you notice the similarities of Nicole and Sam na first love ni Alexander base sa kwento niya noon sa'tin?" Magkakaibigan kasi kaming anim noon. Kasama na 'yung ibang campus prince. Pero sa'ming lima lang niya na kwento ang tungkol doon.

"Hmm. Bukod sa pareho silang nerd 'yun lang ang napansin ko." Sabi ko.

"Ano pa?" Tanong niya.

"Ahm... Wala na eh." Sagot ni Jade.

"Kwento mo na kasi lahat pasuspense pa." Sabi ni Zane. Aba akala ko pipe na siya eh. Hindi naman siya ganyan dati na cold eh, bigla na lang siyang nagbago kasabay ng biglaang pagbabago ni Jade.

Nerdgirl Meets Badboy (Academy Series #01) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon