Chapter One

1.2K 60 7
                                    

"Baka sumobra na sa 100 maging grade mo, Insan! Hang-out naman tayo!"

"Kareza, i need to review! Na-i-stress na nga ako!" reklamo nito sa kanyang pinsan.

"Kei, ilang beses mo na nabasa yan? Hanggang pagtulog ata mapapanaginipan mo na yang reviewers mo!"

"Edi, mabuti kung ganon." sagot ni Kei

"Kei Oinuma! Tara na! Napaka-boring mo talaga!" sa inis ni Kareeza ay hinila nya ang bandanang puti na nakatali sa ulo ni Kei.

"Ano ba problema mo?!" angil nya sa pinsan.

"Samahan mo na ako, Please! Andaming sikat na pupunta daw mamaya sa Chill Top! My Gosh! Mga taga FEU daw yun bess! Alam mo na, mga good looking-RK. hihihi!" namimilipit sa kilig na turan nito

"Haay! Oo na! Pero di ako iinom ng marami. Alam mo naman.." napipilitang pahayag ni Kei. Di siya makakatanggi sa pinsan dahil hindi siya tatantanan nito.

Isa pa, naisip nyang kailangan nya rin makapag-unwind. She's being too hard to herself. Deserve niya rin naman ang breath of fresh air kaya pumayag na siya.

--

"Akala ko ba bar?" takang tanong ni Kei sa pinsan dahil isang condo building ang pinapasok nila.

"Trust me, couz!" saad nito at kumindat pa..

Nanahimik na lang si Kei at sumunod sa pinsan nya.

Pagpasok nila sa elevator ay may ilang grupo din ng halos ka-edaran nila ang pumasok.

"Kei, tignan mo ang gwagwapo lalo na yung naka-asul. Ang pogi nuh? Ganyan mga tipo ko. Hehe" bulong ni Kareza sa pinsan.

Pasimpleng sinulyapan naman ito ni Kei..

"Hmm.." tanging sagot nya sa pinsan.

"Hay naku! Ang boring mo talaga" reklamo ni Kareza dito

"Hi! Chill top din kayo?" bati ni Kareza sa mga kalalakihan..

"Hey!! Yeah yeah! Kayo din?" nakangiting tanong ng naka black

"U-oh." maarteng sagot nito

*Ting

Sabay sabay silang napatingin sa elevator na nagbukas.

Pagbukas ng elevator ay narinig na agad ni Kei ang ingay. Medyo nagulat pa sya na may bar pala talaga sa isang exclusive condo building.

"May kasama ba kayo? You want to join our group?" alok ng naka-blue na agad sinang-ayonan ni Kareza.

Sumusunod lang sa agos si Kei. Minsan lang siya nagpupunta sa mga ganito, tuwing nahihila lang ni Kareza na party goer.

Nasa vip section silang area. Second floor part ng bar, sa may gilid at may overlooking view ng city.

Napangiti si Kei ng humahaplos sa kanya ang malamig na hangin. Open area kasi iyon. Parang rooftop style pero mula sa Area nila ay tanaw pa rin ang stage.

"O-M-G!!! Si Jayleigh!!" tili ni Kareza na kinagulat ni Kei.

Napatingin naman siya sa tinitilian nito.
Medyo malayo ang stage mula sa area nila kaya ang nakikita nya lang ay isang babaeng nakatayo sa stage may hawak na violin.

Kapansin pansin din na nagsitahimik ang tao sa paligid nya at lahat tutok na tutok sa babaeng nasa stage.

May nag-umpisa ng mag-piano. Yung lalaki sa gilid, he's wearing a nerdy glass, clean cut hair at polo shirt na naka-butones hanggang leeg.

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon