Pagkatapos ng trabaho ay nakipag-kita ako kay Kareza..
"Anong muka yan? Parang semana santa!" salubong nya sa sakin pagka-upo nya sa tapat ko.
"Si Jayleigh."
"Oh? Bakit malungkot ka ngayon? Parang kahapon lang tuwang tuwa ka tsaka dapat naman talaga matuwa ka dahil sa wakas! Matutuloy nyo na ang naudlot nyong pag-ibig." napahinga ako ng malalim sa sinabi niya.
"Naguguilty ako sa ginawa ko sa kanya."
"Aba dapat lang! Ghinosting mo yung tao!!" napatungo na lang ako sa lamesa sa sinabi ni Kare
"Pero wag mo na masyadong isipin yun.. Hindi lang talaga para sa inyo ang panahon dati. Siya yung tamang tao para sayo pero mali ang panahon. Malay mo, ngayon na ang tamang panahon para sa inyo!" pang-aalo nito
"Hindi niya na nga ako naalala. Hindi nya na naaalala pinagsamahan namin." mangiyak ngiyak na sumbong ko sa kanya.
"Edi, magsimula ulit kayong dalawa"
"Kanina nga niyakap ko siya, kumalas siya sa yakap ng di ako tinutugon. Tinulak nya lang ako ng marahan.." natahimik naman si Kare sa sinabi ko..
Umorder na lang muna kami ng pagkain..
"Ano ng plano mo?" tanong nito sa akin.
"H-Hindi ko alam.."
"Ang hina mo naman jusko! Wag mo na lang isipin ang nakaraan nyo kasi di nya naman na naalala yun.. Kasama mo na siya, mas madali bumuo ulit ng bagong ala-ala.. Cheer up! Di ka pa lumalaban, sumusuko ka na." nilaro laro ko na lang ang manok sa plato ko.
"Karapat dapat naman ipaglaban si Jayleigh. Malay mo kung naaalala ka lang nya, mahal ka pa rin niya. Wala ka pang nagagawa para sa ikakasaya niya. Kung mahal mo talaga siya, susugal ka kahit hindi sigurado. You have nothing to lose, Couz"
Tama si Kareza.
Natakot akong sumugal dati sa kanya kaya sa dulo, natalo ako.
"Bilisan na natin kumain para maka-balik ka na sa barracks nyo at makalandi! Hahaha" diretsang saad nito kaya hinampas ko siya ng mahina sa braso..
"Sira!" dahil malayo layo ang Tagaytay sa Manila ay may barracks kaming tinutuloyan. Every Monday lang talaga kami nasa office for reports and meetings.
"Wow! 2020 na, pa-virgin ka pa rin? Hahaha" tudyo nya sakin..
"Excuse me! Virgin naman talaga ako nuh.. Wala pa nga akong first kiss" nakalabing turan ko
"Edi, Go na nga! Padilig ka kay Engineer! Naks! Madidiligan na siya Hahaha" napapailing na lang ako kay Kare. Kahit kailan puro kahalayan laman ng utak.
Saglit pa kaming nag-kwentuhan ni Kare ng magpaalam na kami sa isa't isa.
Pagbalik ko sa barracks ay di na ako mapakali. Knowing na nasa kabilang kwarto lang si Jay.
Need kong mag-isip ng idadahilan para maka-usap siya.
Nang makita ko ang laptop ko ay naka-isip ako ng magandang idea.Nagbihis mo na ako ng fitted sando at short na above the knee.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto ni Jay.Pagbukas nya ng pinto ay muntik ko na mabitawan ang hawak kong laptop.
She's freaking hot!! Para na siyang naka-hubad sa paningin ko!!!
She's wearing a black bralette and black cycling sport then holding a guitar.
"Yes?" sunod sunod ang naging paglunok ko bago nakasagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's Faithful
Fiksi PenggemarWhat is faithfulness? For me? It's believing without a single proof. Staying without expecting any return. She's faithful. She loves unconditionally. She loves only one person despite of the trials and hardship. JELRI FANFICTION STORY