KEI ARIE OINUMA
Nakasanayan na ni Jay na sunduin ako tuwing uwian tapos dederitso dito samin, magluluto tapos kakain dito samin kapag gabi. Sinasama nya pa yung alalay niya na si Arjon.
Ayos lang naman sakin. Nakaka-tipid kami ng grocery kasi halos lahat si Jay na bumibili tapos si Arjon ang taga-bitbit. Para kaming nakakuha ng instant alalay ni Kareza. Feeling ko nga nagkakamabutihan na si Kareza at Arjon.
Si Jay naman casual lang kami kahit halata kong nagpapansin siya, pinapabayaan ko lang. Basta malinaw sakin na may boyfriend ako.
Speaking of boyfriend, susundin niya daw ako ngayon kaya ang saya saya ko!
Paglabas ko ng classroom ay andun na siya. Nakakapasok siya dito kasi kilala siya ng mga guard at alumni siya.
"Kumusta ka na, Hon?" malambing na tanong nya sakin.
"Ayos lang. Namiss na kita" sagot ko sa kanya habang magkasabay kami naglalakad. Di rin kasi kami yung clingy couple, tama na yung siya ang nagbubuhat ng bag ko at makatabi kaming naglalakad.
"Namiss din kita. Pasensya na, busy lang talaga. Alam mo naman diba? Di mura ang pang-gastos ko para sa Bar Exam. Savings ko lang itong ginagamit ko kaya kailangan ko ng makapasa kasi kung hindi baka di na ako makapag-take pa ulit ng Bar Exam." ngumiti naman ako sa paliwanag niya.
Sobrang linaw lang para sa kanya ng pangarap nya. Alam na alam niya ginagawa niya
"Ano ka ba! Ayos lang. Naiintindihan kita. Di mo kailangan magpaliwanag" ngumiti siya sa sinabi ko.
"Ang swerte ko talaga sayo, Hon."
"Mas maswerte ako sayo!" hindi patalong sagot ko kaya nagtawanan kami.
Habang nagtatawanan kami ay napadaan kami sa waiting shed.
Andun si Jay nakatingin samin kaya nag-iwas ako ng tingin. Dinaan ko lang siya habang sinusundan nya kami ng tingin.Dumiretso kami ni Jensen sa isang karenderya. Masaya kaming kumakain kahit simple lang. Habang nag kwekwento ako ng tungkol sa study ko ay napansin kong nagtetext siya.
"Si Lola nangungumusta. Nireplyan ko muna." saad niya. Tumango lang ako at nagkwento na ulit.
".. diba nasabi ko na sayo yung prof namin? Si Mr. Cuesta.. Nakakainis talaga sya!" rant ko dito
"Si Mr. Cuesta yung pogi nyong prof diba?" tanong nya. Kumunot naman noo ko.
"Hindi! Siya yung matandang prof namin na mainit ang ulo kasi siguro walang asawa. Hahaha" natatawang kwento ko
"Ahh" ani niya.. Pinapanuod niya lang ako magkwento at medyo nadidistract ako kasi panay ang tingin nya sa phone.
"Hon, ubusin mo na pagkain mo. Marami pa kasi akong gagawin" paalam niya sakin na medyo nalungkot ako.
Ngayon nga lang kami nagkita puro pa sya cellphone tapos nagmamadali pa siyang umalis.
"Tapos na ako.. Tara na" aya ko na lang sa kanya. Hectic kasi talaga schedule niya.
Naglakad lang kami papunta sa condo building namin ni Kare. Tahimik lang kaming talaga. Hindi naman kasi siya nagsasalita. Hindi naman talaga ako pala-salita. Tsaka kanina pa ako nagsasalita parang di naman siya nakikinig. Siguro kasi iniisip nya yung mga Laws at Code. Masaya na rin akong nakasama sya kahit saglit.
"Ingat hon" paalam ko sa kanya.
"Okay. Bye.." hahalik sana siya sakin ng mapa-atras ako.
Nasa labas lang kasi kami ng building namin. Andaming tao tsaka di ako komportable talaga.

BINABASA MO ANG
She's Faithful
FanfictionWhat is faithfulness? For me? It's believing without a single proof. Staying without expecting any return. She's faithful. She loves unconditionally. She loves only one person despite of the trials and hardship. JELRI FANFICTION STORY