Chapter Six

483 44 12
                                    

Pagkagising ko ay nagluto ako ng almusal namin ni Kareza.

"Bakit nakabusangot ka na naman ka aga aga?" inirapan ko lang si Kare..

Ewan ko! Ang pangit ng gising ko talaga.

"Parang tuwing gising mo ganyan ka na ah hahahaha" nang-aasar na turan niya

"At ikaw? Masaya ka ata" puna ko sa kanya at para ibahin na rin ang usapan. Ngumiti naman siya ng malawak.

"Couz, mag-seseryoso na ako sa lalaki! Hehehe" kinikilig pa siya. Tumaas naman ang kilay ko, di ako naniniwala.

Si Kareza? Eh makakita lang yan ng gwapo at mayamang lalaki malalaglag na ang panty!

"Nanliligaw na sa akin si Arjon!!"

"Ha?? Akala ko ba si Jay ang gusto mo?!" yun kasi pinapakita niya e

Tsaka si Arjon? Yung mukang loser na yun. Ang baduy kaya manamit nun tapos parang bata pa.. Hindi pa masyadong mayaman in short hindi pasok sa qualities ng mga gusto ni Kareza.

"Eenngk! Gusto ko si Jay as a friend. Mabait kasi yun sobra pero si Arjon gusto ko maging boyfriend!" nagtataka man ay nagpapasalamat na rin ako.

"Edi mabuti kung ganon" wala sa sariling sagot ko

"Mabuti??" ngumiti siya sakin ng nang-aasar at tinusok pa tagiliran ko

"Gusto mo na si Jay nuh?" napangiwi lang ako sa sinabi niya.

"Kilabutan ka nga!!" diring diring saad ko.

"Ang sinasabi ko lang mabuti at si Arjon pala gusto mo. Kahit muka siyang loser mas matino naman siya kompara kay Jay. Syempre, mas gusto ko yung makakabuti sayo!" pahayag ko at hinalo ang kanin na sinasangag ko.

"Hindi naman masamang tao si Jayleigh. Grabe ka talaga kay Jay! Dami dami kayang nagkakagusto dun.. Kung hindi ko lang naging kaibigan yun siguro hanggang ngayon gusto ko pa rin siya" di na ako umimik sa sinabi niya.

Non-sense talaga usapan basta si Jayleigh ang topic.

"Kei, bakit ka nga mukang badtrip? Napapadalas na yan ah. Nag-aaway ba kayo ni Jensen?"

"Hindi ah" depensa ko agad. Paano mag-aaway e halos di nga kami nag-uusap at nagkikita nun. Nagkita nga kami kagabi, saglit lang tapos puro ako lang naman nagsasalita.

"Bakit ka badtrip?" pangungulit niya..

"Hindi ko rin talaga alam." basta pag-gising ko at walang text galing kay J--Jensen, nabadtrip na ako.

Di naman ako ganito dati. Haaay

Buong araw ata wala ako sa mood. Panay tingin ko sa cellphone ko pero wala man lang nag tetext.
Parang pagod na pagod ako buong araw. Sabagay medyo late na rin kasi ako uuwi ngayon. Nakatulog kasi ako sa library.

Paglabas ko ng campus ay tumingin agad ako sa waiting shed.. Haay

Dumiretso na ako lakad pauwi.. Medyo nangangamba ako na madadaanan ko na naman yung mga manyak na nag-iinoman.

"Hello Beautiful!" tawag nung isa na halatang lasing na.

Di ko sila tinapunan ng tingin. Pero patuloy lang sila sa pagtitig sakin at may sumipol pa na isa.

"Miss Beautiful! Ang snob mo naman.." mga gago pala kayo e! Nakakabweset! Gabi gabi na lang silang nag-iinoman dyan!

"Miss.. Baka gusto mo mag-shot. Isa lang" harang nung isa sakin..

"Tumabi ka nga dyan pangit!" sagot ko dito at nilagpasan sila.

Narinig kong nagtawanan ang mga kainoman niya kaya parang napahiya siya.

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon