KEI ARIE OINUMA
Kalalapag lang ng eroplano namin ni Jensen sa Japan.
"Ang lamig, Hon!" nakangiting sambit ni Jensen at umakbay sakin.
Tatanggalin ko sana iyon ng maalala ko si Jay. Kay Jay nga hindi ko tinatanggal e, sa boyfriend ko pa kaya. Pinabayaan ko na lang si Jensen kahit naiilang talaga ako.
"Kaysa naman sa Pilipinas, Hon. Mainit! Haha" natatawang sagot ko na lang.
Walang nagsundo samin dahil si Mommy at Lola lang naman magkasama sa bahay. Si Mommy busy sa small business namin dito sa Japan at si Lola naman ay may edad na kaya di na namin pinapabiyahe.
Si Daddy? Matagal na silang separated ni Mommy. May bago na siyang pamilya pero andito lang rin siya sa Japan.
Ang tumatayong papa ko ay yung pangalawang asawa ni Mommy.. Pero yun din ang first love niya. Umepal lang talaga si Daddy tapos marupok si Mommy kaya ayun, nabuo ako.
Ang papa ko yung nasa Nueva Ecija. Kasama ang dalawa kong kapatid at mga pinsan ko. Kadalasan ay dun ako umuuwi kapag Christmas break dahil sila mas ka-close ko. Busy din naman kasi si Mommy kaya kapag andito ako mabobored lang ako kaya nga sinama ko rin si Jensen para may makakasama ako.
Pagdating namin sa bahay ay tulad ng inaasahan si Lola lang ang naabutan namin.
"Lola, i miss you!" binati ko si Lola in Japanese at nagmano..
"Kei.." mahinang tawag lang nito sa pangalan ko at ngumiti.. She don't need to say more.
"La, si Jensen po. Boyfriend ko." formal na pagpapakilala ko dito..
"Hello po.." nahihiyang bati ni Jensen at nagmano kay Lola. Ngumiti lang din sa kanya si Lola.
"Maupo kayo" pagpapaupo samin ni Lola.
Naupo sa tapat ng mababang lamesa namin..
Naupo naman sa tabi ko si Jensen.Pinapanuod lang kami ni Lola habang kumakain. Grabe! Namiss ko talaga ang pagkain sa Japan! Ang sarap ng mga fresh seafoods dito..
"Ang sarap Lola! The best talaga kayo mag-luto!" bigla ko naman naalala si Jay.. Well, magaling din talaga siya magluto.
"Mabuti at nagustohan mo. Muka kang tumaba konti simula ng huli tayong magkita. Mukang naalagaan ka ng maayos ng nobyo mo" sinabi ni Lola sakin yun in Japanese kaya hindi maiintindihan ni Jensen.
Ngumiti lang ako ng tipid.
"Naze? (bakit)" na patingin naman ako kay Lola.
"Iba ang sinasabi ng mata mo. May problema ba kayo ng nobyo mo?" tanong niya sakin in nihonggo pa rin.
Hindi masyadong marunong magtagalog si Lola dahil pure Japanese siya."Wala po Lola. Sobrang bait ni Jensen. Wala akong masasabing masama tungkol sa kanya" sagot ko kay Lola in Japanese.
Napalingon naman sakin si Jensen dahil narinig niya pangalan niya.
"Sabi ko kay Lola, mabait ka." tipid na pagpapaliwanag ko sa kanya. Tumango lang siya at muling kumain.
"Hai.. Tabe tsudzukeru.." (Sige, Kumain ka lang) sagot niya
-
Sa kwarto ko ako matutulog at sa guest room naman si Jensen. Siguro kaya conservative ako dahil sa pinaghalong culture ng Japanese at Pinoy.
Samantalang si Jay kaya siya may pagka-liberated dahil mag-isa lang siya most of times. Hindi niya kasama family niya tapos sa New Jersey pa siya nagbabakasyon every now and then.
BINABASA MO ANG
She's Faithful
FanfictionWhat is faithfulness? For me? It's believing without a single proof. Staying without expecting any return. She's faithful. She loves unconditionally. She loves only one person despite of the trials and hardship. JELRI FANFICTION STORY