Pagpasok namin sa chill top ay dumiretso si Jay sa lagi namin pinupwestohan. Naka-sunod lang kami sa kanya.
"Have a seat girls.." pagkasabi nun ni Jay ay nagkanya kanya na kami upo. Syempre tumabi ako sa kanya. Sa pwesto ko dati.
Ilang saglit lang ay may lumapit sa amin.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko..
"Oh My Gosh! Ikaw na ba yan, Arjon?" napalingon siya sa akin at mabilis kumunot ang noo.
Si Arjon nga! May laman laman na siya ngayon at sobrang gwapo nya na. Wala na siyang suot na salamin at hindi na baduy ang pananamit niya.
MyGosh! Siguradong malalalaglag na naman panty ni Kareza kapag nakita nya si Arjon ngayon! Kaso sobrang bitter nun kay Arjon hahaha
"Kei.." mahinang tawag nito sa akin.
"Magkakilala kayo?" takang tanong ni Lienel.
"Oo naman! Kilalang kilala ko si Kei.. Mabuti nga di na siya nakikilala ni Jay.." nakatitig lang siya sakin at halata ang galit sa mata nya habang sinasabi iyon.
Hindi ko maiwasan mapayuko..
"Anong sinasabi mo, Arjon?" takang tanong din ni Jay..
Nakaramdam naman ako ng kaba.. At nakatingin na nakiki usap kay Arjon na wag nyang sasabihin kay Jay.
"Hindi.. Wala." sagot nya sakin.
I mouthed thank you to him.
Akala ko ay aalis na siya pero bumulong siya sa tenga ko.
"Ginawa ko yun para kay Jay hindi para sayo." may tonong galit na saad nya..
"Jay.." tinapik sa balikat ni Arjon si Jay na larang niyaya ito.
"Teka wala si--"
"He's here" saad ni Arjon na hindi pinatapos ang sasabihin ni Jay..
Napatingin naman sa paligid si Jay at napangiti..
Mabilis siyang tumayo at tumakbo papunta sa isang lalaki na nakaputing tshirt lang at black short. Napaka-simple ng suot nito pero ang lakas ng dating.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng makita kung gaano kasaya si Jay sa pagdating nito..
Hinawakan nito ang kamay ng lalaki at hinila papunta sa amin..
"Ahmm.. Guys, he is my good friend. Nurse Archie Samain!" pagpapakilala niya sa amin sa bagong dating.
"Archie, sila mga ka-workmate ko. Si Kyzha, Angel, Kei at Lienel" workmate.
"Nice to meet you, girls." magalang na bati nya sa amin at ngumiti lang.
"Boyfriend mo siya, Engineer?" diretsong tanong ni Lienel kay Jay.
Sabay tumawa si Jay at yung nurse na sinasabi niya.. Pansin ko rin na magkahawak pa rin ang kamay nila.
Napalunok ako dahil parang may nakabara sa lalamonan ko. Ang hapdi.
"No. We're not" sagot nung lalaki. Napaangat naman ang tingin ko sa kanila.
"Ahh! Akala ko taken na si Engineer." pahayag ni Angel na sumulyap pa sakin na parang sinasabi na may chance pa ako.
Nag-kibit balikat naman si Jay.
"Tugtog ka na.. I'm here to watch you." malambing na saad nung nurse kay Jay at inayos pa ang buhok nito.
"Sige.. Upo ka dito." hinila ni Jay yung Archie paupo sa tabi ko.
"Galingan mo!" pahabol nung Archie kay Jay. Ngumiti lang si Jay sa kanya at sumama na kay Arjon.
![](https://img.wattpad.com/cover/245328684-288-k877263.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Faithful
FanficWhat is faithfulness? For me? It's believing without a single proof. Staying without expecting any return. She's faithful. She loves unconditionally. She loves only one person despite of the trials and hardship. JELRI FANFICTION STORY