Chapter 22

509 41 8
                                    

Pagdating namin sa Guilly's Night Club ay may lumapit agad kay Jayleigh.

"Jay! Long time no see! What brought you here?" tanong ng lalaking hindi ko kilala

"Kasama ko mga officemates ko" tipid na sagot ni Jay.

"Ahh.. Sa chill top ka pa rin ba madalas tumugtog?" tanong nito na medyo nilapit pa ang labi sa tenga ni Jay dahil sa ingay ng club.

"I'm not into clubbing na." malakas na sagot din ni Jay

"Ahh.. Ganon ba? Sige. Dun na lang! Enjoy, Jay!" paalam nito kay Jayleigh at umalis na..

"Tara! Andun sila oh.." aya ko sa kanya at tinuro ang table ng mga kasama naming nauna na.

Hinintay ko kasi siya.. Baka may lumapit na kung sino-sino at harassin siya.

Kaharass harass pa naman itsura nya ngayon.

Croptop white na pinatungan nya ng black leather jacket at ragged pants.. She's so hot.

Hindi nya ako pinansin at diretso lang naupo sa tabi ni Kyzha.. Naupo din naman ako sa tabi nya.

Nag-order sila ng isang boteng tequila. Same brand ng ininom namin nung birthday ni Jay. Jose Cuervo.

Nagsalin sila sa bote namin at sabay sabay kaming nag-toss at ininom yun.

Sinisimsim ko ang lemon ko ng mapansing nag-uusap si Jay at Kyzha..

Hindi ko marinig pinag-uusapan nila dahil maingay at nagbubulongan sila. Ang lapit lapit ng muka nila sa isa't isa.

Lumapit sakin si Angel at bumulong.

"Okay ka lang?" tumango naman ako sa tanong nya

"Di ka naman na-bobored?" pasigaw na tanong nito

"Ayos lang!" sagot ko at nag-okay sign.

Nagsalin na lang ako ng tequila sa baso ko at sa baso ni Jay..

Napatingin naman siya sakin sa ginawa ko..

Napapitlag ako ng bigla nyang ilapit ang muka sa akin at bumulong..

"I don't drink too much.. Mag-drive pa ako" kaswal na ani nya at nakipag kwentuhan ulit kay Kyzha.

Dahil sa sinabi nya ay naalala kong ugali nya nga palang maghatid ng lasing na kainoman.

Lalo akong ginanahan uminom sa idea na yun..

Ilang minuto pang lumipas ng maramdaman kong nahihilo na ako..

"Architect, okay ka lang?" napangiti akong palihim ng magtanong si Jay..

"Yeaah.." sagot ko na medyo nagpa-OA na lasing pa.

Di naman sumagot si Jayleigh kaya uminom pa ako..

Nag-uwian na si Angel at Lienel kaya kami na lang tatlo ni Kyzha at Jay ang natira.

Badtrip na Kyzha! Di pa umuwi para masolo ko si Jay!

Nag-inom pa ako para siguradong hindi ko na kakayanin makauwi mag-isa at mapipilitan si Jay na ihatid ako.

----

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar.. Napabalikwas agad ako ng gising at tinignan ang katawan ko sa ilalim ng kumot.. Same pa rin naman ng suot ko sa kagabi.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at mukang boarding house ito na hindi mamahalin.. Imposibleng kwarto ito ni Jay. RK yun eh!

OMG! Sino nag-uwi sa akin?!

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon