Epilogue

1K 58 14
                                    

Hindi ko alam na ganito pala nakakakaba ang pakiramdam ng ikakasal. Akala ko puro excitement lang mararamdaman ko pero kinakabahan ako..

Sobra akong natetense.

Nasa loob na ako ng sasakyan at hinihintay ang pagsundo sa akin ni Mommy.
Nang makita kong papalapit na siya sa sasakyan ay parang kumukulo na ang tiyan ko.

Pagbukas nya ng pinto ng kotse ay agad sya ngumiti sa akin.

"Anata wa totemo kireidesu [You are so pretty]" napangiti ako sa pag bati ni Mommy sa akin.

Hinawakan nya ang kamay ko na nanlalamig..

"Mommy, andyan na ba si Jay?" kinakabahan na tanong ko

"Oo naman, kanina pa." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Mommy pero may kaunti pa rin akong nararamdamang kaba..

Paano kung biglang umatras si Jay? Magbago isip niya.. Ayaw nya na palang matali sa akin? Kasi masyado akong moody minsan o baka isipin nya na di naman ako masyadong sexy tsak--

"Stop thinking negative thoughts, Kei." napangiti akong alanganin sa sinabi ni Mommy. Guilty

Habang naglalakad kami ni Mommy ay napasulyap ako sa kabilang bahagi ng aisle. Kung saan naglalakad din si Jay kasabay ko.

Hindi ko maaninag masyado ang muka nya dahil sa belo na nakaharang dun.
Hawak hawak nya ang bouquet na may color combination ng white and green. Sa akin naman ay yellow at white.

Ang paligid ay napapalibuyan ng mga bulaklak na may kombinasyon ng dilaw at berde.. Puno ng maliliit na ilaw na animoy mga alitaptap na nagbibigay ilaw sa gabi..

Pagtingin ko sa mga bisita ay nakatingin lamang sila sa amin ni Jay na naglalakad.. Na pangiti ako kay Kareza ng makita siya.

Malaki ang parte nya sa relasyon namin ni Jay. Kung hindi niya ako pinilit sama sa Chilltop ng gabing iyon ay hindi ko makikilala si Jay. Kung hindi niya binigay ang number ko dito at mga social media accounts ay wala kaming magiging kuminikasyon.

Kaya kahit ganyan yan si Kareza sobrang nagpapasalamat ako sa kanya.. Dahil sa kanya nakilala ko ang taong magpapasaya sa akin sa hindi ko mapaliwanag na saya, hindi matutumbasan basta basta.

Kung itatanong niyo rin kumusta na si Kareza at Arjon... Hmm.. Hindi pa sila nagkakabalikan pero nanliligaw muli si Arjon kay Kareza at alam ko naman na marupok ang pinsan ko kaya baka sila na din ang sunod na ikasal.

Nabaling ang tingin ko sa pamilya ni Jay na nakangiti din sa akin.
Gusto kong ipag-novena ang Mommy at Daddy ni Jay kasi kung hindi dahil sa kanila, walang Jayleigh sa buhay ko.

Gusto kong pasalamatan ang lahat ng andito dahil alam kong naging bahagi sila ng pagmamahalan namin ni Jay.

Nang marating ko ang harap ng altar ay nandun na si Jay naghihintay sa akin. Binitawan ng Daddy nya ang pagkakahawak kay Jay pinaubaya sa akin..

Nilahad naman ni Jay ang kamay nya sakin at dun binitawan ni Mommy ang kamay ko.

Mabilis kong tinanggap ang kamay ni Jay. Bahagya nya iyong piniga. Pinag-intertwined ko ang mga kamay namin.
Sabay kaming humarap sa Pari na magkakasal samin, at nangako kaming magsasama sa hirap at ginhawa magmula ngayon.

......

"You may kiss each other" hudyat na binigay samin ng Pari

Dahan dahan kong tinanggal ang belo ni Jay.. Pagkakita ko ng malinaw sa muka niya ay dun nagrasa na ang luha ko..

Di nagtagal ay tinanggal din ni Jay ang belo ko at agad pinunasan ang luha ko.

Kinulong niya ang muka ko ng kanyang mga palad..

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon