Chapter Seven

513 42 7
                                    

Gumising ako sa umaga dahil sa maingay na tunog ng phone ko.
It's Jayleigh.

Naiirita akong sinagot yun. Feeling close! Nireplyan ko lang kagabi..

"Good mooorning" masayang bati niya sakin.. Nagulat pa ako sa sigla ng boses niya. Medyo nahiya akong awayin siya pero dahil istorbo siya sa tulog ko at feeling close aawayin ko siya.

"Walang good sa morning kung ikaw ang din naman ang mang-gigising!"

"Aww. You're hurting my feelings.." nag-iinarteng saad niya

"Bakit ka nambubulabog ka-aga aga?"

"It's not that early na kaya.. 8am na po. You should eat your breakfast. Nagpa-deliver ako ng tapsilog and hot chocolate for the both of you ni Kare" hmm.. Chineck ko ang clock sa bedside table ko.. 8am na nga pasado. Masyado ata akong napagod kagabi at napasarap tulog ko.

"Kei?" tawag nya ng di ako makasagot

"Oo na. Babangon na ako para makakain." sagot ko sa kanya para tantanan niya ako..

"Okay. Enjoy your food!" masayang turan niya at pinatay ko na ang tawag.

Pagkatapos kong ayusin ang higaan ko ay nagpunta na ako sa cr para sa morning rituals ko.. Napapakanta pa ako. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Iba talaga kapag mahaba ang tulog.

"Ganda ng mood natin couz ah.." puna ni Kareza na binalewala ko.

"Ano pagkain?"

"Ay! Oo nga pala. Nagpadala si Jayleigh satin ng food. Mainit init pa yun kaya mabuti pa kumain ka na" tinignan ko sa table ang nakatakip na pagkain at nasa thermos mug na hot chocolate.

"Ang sweet ni Jayleigh nuh?" nakangiting makahulogan ni Kare.

"Baka ibig mong sabihin, gastador." bara ko sa kanya at nagsimula ng kumain.

Ang sarap ng tapsilog sa umaga tapos sasamahan mo pa ng hot chocolate. Perfect combination to start your day.

"Gastador o marupok? Haha siguro namiss mo siya tapos tinext mo kaya may pa-breakfast si Jay" hindi pa pala alam ni Kare ang nangyaring pambabastos sa akin kagabi. Hindi ko kasi nakwento at ayuko na mag-aalala siya.

"Hindi nuh! Bakit ko naman itetext yun?!" tanggi ko. Tsaka di naman ako nagtext, tumawag ako.

Papasok na ako sa school ng makatanggap ng text mula kay Jensen.

From Jensen ❣️

Bakit ka tumatawag kagabi? Alam mo naman na busy ako tawag ka ng tawag.

I felt a little disappointed sa text niya pero naintindihan ko. Nangailangan lang talaga ako kagabi kaya ako napatawag sa kanya. I didn't mean na maka-istorbo.

To Jensen ❣️

Sorry, may emergency kasi na nangyari pero okay na, hon.

Reply ko sa kanya na hindi niya na nireplyan. Akala ko nga sa dami ng text ni Jay ay may mayron dun miski isa galing kay Jensen.

Umingay na naman kasi phone ko gawa ni Jay. Text na naman sya ng text, nagkukwento tungkol sa mga naghaharass sa kanya. Natatawa na lang ako.

Dahil 8pm ang out ko at ganon din si Jay ay naghintay pa ako sa kanya sa waiting shed.

Habang naghihintay ay may humintong motor sa harap ko. Si baby.

"May hinihintay ka miss?" nakangiting  tanong ni Jay sakin pagtanggal nya ng helmet.

"Tse! Ang bagal mo! Pinaghintay mo ko!" kunwaring reklamo ko.

"Hahaha lika na!" aya niya sakin at inabot ang helmet. Sinuot ko naman agad yun at umangkas na.

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon