Habang tumatagal ay nagiging natural na lang samin ni Jayleigh na sunduin nya ako, maging magkatext, magkacall at kung minsan mag-overnight dito sa condo pero bumili na siya ng foam para may matulogan. Madalas na rin nila ako nayayaya sa Chill Top di ko naman napapabayaan ang pag-aaral ko kasi andiyan si Jay na sinusuportahan ako.
Sinasamahan niya ako magpuyat. I mean, tinatawagan niya ako tapos tutugtugan hanggang antokin ako tapos matutulog na kami.
Sa kanya ako nagkukwento ng mga nangyayari sa akin sa school, sa kanya ako nag-rarant tapos ganon din siya sakin. Di ko lang maamin pero para na kaming mag-bestfriend.
Kahit lagi ko siyang sinusungitan mauuwi pa rin kaming natutulog na magka-usap at hanggang pag-gising siya pa rin ang una kong makaka-usap.Ngayon lang ulit nya ako hindi susunduin kasi kakain daw kami sa labas ni Jensen. Kakatapos lang ng bar exam niya kahapon kaya mas magkaka-time na siya sakin ngayon. Waiting na lang siya sa result ng exam niya.
Nagpaalam naman na ako kay Jay ngayon kasi baka magtampo na naman siya kapag pinaghintay ko siya sa wala.
"Hello hon.." nakangiting salubong sakin ni Jensen.
"Hi!" ngiting salubong ko sa kanya. Kinuha nya naman ang bag ko at sabay na kaming naglakad.
"Kumusta?" tanong ko
"Ayos lang. Kinakabahan hehe" napatango naman ako
"Normal naman kabahan pero alam ko, makakapasa ka! Ikaw pa ba? Hehehe" ngumiti lang siya sakin. Halatang kinakabahan
"Saan tayo kakain?" tanong niya
"Ikaw bahala. Gusto mo sa condo namin? Masarap magluto si Jay!" masayang turan ko
"Jay? Sino yun?" kunot noong tanong niya
"Yung friend kong sinasabi sayo. Yung laging sumusundo sa akin." nabanggit ko na si Jay sa kanya sa text eh. Kasi nagsasabi naman akong sinusundo ako ni Jay.
"Hmm.. Saan mo nakilala yun?"
"Sa bar. Nung naaya ako ni Kareza"
"Ahh.. Ikaw bahala. Okay yan para makatipid tayo." sagot niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil pumayag siyang kumain sa Condo o malulungkot dahil di man lang siya nag-isip na mag-solo kami. Maybe he just so practical lang. Tama naman siya, mas tipid nga kumain sa condo tsaka ako naman nag-aya sa kanya. Gusto ko rin kasi matikman niya luto ni Jay at makilala ito.
Si Jayleigh ang parang bestfriend ko at siya naman ang boyfriend ko. Tama lang na maging magkaibigan din sila.
Pagdating namin sa condo ay naabutan kong naka-back hug si Kare kay Jay habang nagluluto ito..
"Kare, Jay!" tawag ko sa atensyon nilang dalawa.
Mabilis naman bumitaw si Kare kay Jay kay lumingon silang dalawa samin.
"Jensen.." mahinang tawag ni Kare
"Dito daw kami kakain ni Jensen.." ani ko habang nakatingin lang kay Jay.
"Bakit ganyan tingin mo? Galit ka?" natatawang tanong nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Hon, nga pala.. Si Jayleigh friend namin ni Kare. Jay, si Jensen.. Boyfriend ko" nakangiting bumaling si Jay kay Jensen
"Hi Jay! Salamat nga pala sa mga pagsundo mo kay Kei. Busy kasi ako nitong nakaraan pero ngayon magaan na schedule ko. Ako ng bahala." napatingin naman ako kay Jensen sa sinabi niya..
"You mean, ikaw na magsusundo sakin?!" excited na tanong ko
"Oo naman" nakangiting sagot niya.. Tuwang tuwa ako at napayakap sa braso niya pero mabilis ko rin tinanggal iyon.

BINABASA MO ANG
She's Faithful
FanfictionWhat is faithfulness? For me? It's believing without a single proof. Staying without expecting any return. She's faithful. She loves unconditionally. She loves only one person despite of the trials and hardship. JELRI FANFICTION STORY