Chapter Ten

464 41 7
                                    

As days go by, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung normal pa ba ang nararamdaman ko.

Gusto ko si Jensen, malinaw sa akin yun pero kapag isasama sa usapan si Jay hindi ko na alam.

Tuwing uwian si Jensen ang sumusundo sakin madalas.. Madalas kasi minsan di nya ako nasusundo, hindi ko alam bakit lagi syang may rason pero ayos lang naman.

Si Jay ang laging naghahatid naman sakin. Lagi niya ako pinagluluto ng breakfast at dinner kulang na nga lang dito siya tumira sa amin ni Kare sa dalas niya sa condo.

She's consistent.
Nagugulohan na ako kay Jay. Normal pa ba ginagawa niya para sa isang kaibigan? O baka nag-aassume lang ako. Hindi lang naman ako ang pinagluluto niya pati si Kare. Madalas hinahatid nya rin ito pauwi kapag galing silang chill top.

Siguro nga sobrang bait lang niya.. sa LAHAT.

"Haaay"

"Lalim nun ah" puna sakin ni Kare

"Nalulunod na kasi ako" tipid na sagot ko habang pinagpapatuloy ang pag-gawa ng project ko.

"Matatapos mo rin yang miniture mo hehe" ngumiti na lang ako ng tipid sa kanya. Sana nga dito na lang ako sa mga projects nalulunod e.

"Nga pala, uwi ka Nueva Ecija or Japan?" mag-christmas break na kasi in 2 days..

Tama din siguro yun para makapag-isip isip ako at makalayo kay Jay.

"Sa Japan."

"Layo ah! Sabagay andun Mommy mo.." ngumiti lang ako ng tipid

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Jensen.

"Hon, napatawag ka?" salubong niya

"May gagawin ka ba sa Christmas at New year?"

"Wala naman. Bakit?"

"Sama ka sakin sa Japan. 2 weeks." nanahimik sandali si Jensen sa kabilang linya

"Wala akong pera hon"

"Ako ng bahala. Ako naman nag-aya sayo."

"Hmm.. Ayos lang ba?" nag-aalangang tanong nya

"Oo naman.. Papakilala din kita kay Mommy sa personal!" hindi niya pa kasi nakikilala si Mommy ng personal dahil nga sa Japan ito nagtratrabaho.

Pumayag naman si Jensen sa alok ko kaya kahit papaano ay nakalma na ako. We need quality time together.

"Chill top, Couz!" aya ni Kare.

"May tinatapos pa ako" sagot ko dito

"Mahaba pa oras mo dyan tsaka di mo naman matatapos ngayong gabi talaga yan. Unwind ka muna. Tutugtog daw si Jayleigh!" sa sinabi niya ay mas lalong ayukong pumunta.

Patulog na ako ng magsend sa akin si Jay ng video. Hindi talaga nakakasawa manuod at makinig sa kanya kapag natugtog siya.

"Sleepwell, Kei" pahabol na text niya kaya tuloyan na akong nakatulog.

--

"Uuwi ka ng Japan?"

"Oo, kasama ko si Jensen" sagot ko kay Jay

"Gusto ko rin pumunta ng Japan"

"Edi pumunta ka! Dami dami mong pera eh" sagot ko sa kanya at muling sumubo ng kanin.

Nag-brebreakfast kasi kami ngayong dalawa. Wala si Kare at Arjon may sariling lakad.

"Uuwi ako sa New Jersey" oo nga pala. Andun ang pamilya niya..

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon