"Kei, alam mo ba anong date ngayon?" nakalabing tanong ni Jay pagkahatid nya sakin galing sa school.
"February 13, ano meron?" maang-maangan ko..
"Wala. Nevermind" malungkot na sagot niya at tahimik naupo sa sofa.
Tumabi ako sa kanya at tinitigan siya..
"Stop staring.." masungit na saad nya at nagbukas ng tv.
Ngayon ko lang ata makikitang masungit si Jay haha
"Jay, pwede mo ba akong kuhanan ng juice sa ref?" malambing na tanong ko sa kanya.
Tumingin pa siya sakin na kunot noo pero nag puppy eyes lang ako.
"Yeah. Sure" walang ganang sagot nya at tumayo na..
Tumayo na rin ako para pumasok sa kwarto ko..
Paglabas ko ay mabilis kong pinatay ang ilaw sa sala..
"Fuck! Brown out ba?!" rinig kong tanong ni Jay. Init ng ulo ng baby.
"Happy Birthday to youu! Happy birthday to youu! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" kanta ko habang lumalapit sa kanya bitbit ang cake nya..
Nakatingin lang siya sakin at parang naluluha..
"Make a wish and blow your candle" she closed her eyes and mumbled then blew her candle.
Muling nagdilim ang buong paligid.
Naramdaman ko ang paghawak ni Jay sa mga kamay ko at kinuha ang cake para ilapag sa lamesa."I thought you don't know it?" malambing na tanong nya habang iniipit ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga.
"Pwede ba yun? Ito ang araw na sinilang ka. Ang araw na habang buhay kong ipagpapasalamat."
"Thank you, Kei.." madamdaming saad nya at dahan dahan akong niyakap.
"I always celebrate my birthday alone.. Or with someone i don't really know. This is the first time, i will celebrate my birthday with someone special to me." bawat salitang binibitawan ni Jay ay nararamdaman ko ang sinseridad. Mahigpit kong tinugon ang yakap niya.
She's truly a very appreciative person. Wala namang special sa ginawa ko. Simpleng pa-cake lang dahil wala naman akong pera para handaan siya tsaka ayukong isipin nya na sobrang special siya sakin kahit yun naman ang totoo.
"Buksan na natin ilaw.." paalam ko sa kanya at kumalas sa yakap niya.
Binuksan ko ang mga ilaw at nakita kong nakatitig siya sa simpleng cake. May motor lang ito sa ibabaw at combination ng Black and green ang kulay.
"Ang cute." komento niya..
"Pasensya na.. Yan lang nakayanan ko" umiling iling siya habang nakangiti.
"This is the best birthday gift i ever received" tinaasan ko naman siya ng kilay.
Imposible. Sa yaman niya sigurado ako nabigyan na siya ng mga mamahaling regalo at nabigyan na siya ng mas bonggang mga cakes.
"Kei.." tinitigan ko lang siya. Her eyes saying a thousand words but can't utter a single one.
"My Ghad!" naiiling na saad niya at tumawa ng mahina..
"Nababaliw ka na?" natatawang tanong ko sa kanya
"Can i break down a little?" kinabahan ako sa tanong niya
May gusto siyang gawin na alam kong pinipigilan niya.
"It's your birthday.. I can't say no to you"

BINABASA MO ANG
She's Faithful
FanfictionWhat is faithfulness? For me? It's believing without a single proof. Staying without expecting any return. She's faithful. She loves unconditionally. She loves only one person despite of the trials and hardship. JELRI FANFICTION STORY