Chapter Seventeen

473 34 12
                                    

Ilang linggo na rin nakakalipas. Go with the flow lang kami ni Jay. Act like a best friend ganon. I'm happy. I'm really happy! Ibang iba ang sayang nararamdaman ko kapag kasama ko si Jay.

Kahit na minsan nagkukulong lang kami sa kwarto at mag-aaral tulad ngayon kontento na ako.

Mas madalas ko siyang nakakasama ngayon kaysa kay Jensen kasi nag-tratrabaho na siya sa isang firm. Pa-assistant assistant lang muna kasi hindi pa lumalabas result ng Bar Exam niya. Baka next month pa lumabas yun.

"Kei, alam mo kailan birthday ko?" out of knowhere na tanong ni Jay.

Syempre, alam ko at malapit na yun.

"Hindi. Nagbibirthday ka pala?" pang-asar ko sa kanya

"Sabi mo bestfriend kita.. Dapat alam mo" nakalabing saad nya habang nilalaro ang bandana ko.

"Sabihin mo na lang kailan tapos makiki-kain ako ng shanghai." hinila nya ng mahina ang bandana ko kaya ginantihan ko siya.

Hinila ko ng malakas bandana niyang suot. Gaya gaya kasi siya sakin.. Para daw bestfriend goals.

"You're so bad! Di mo na nga alam kailan birthday ko tapos inaaway mo pa ako!" naghalukipkip pa siya na parang bata..

"Tapusin mo na yang assignment mo. Pasahan na niyan bukas" pag-iiba ko ng usapan.

"Ayuko!" parang batang saad nya.. Inirapan ko lang siya.

Yung loko humiga sa kama ko at siniksik ang ulo sa unan.

"Jay! Tapusin mo na ito. Tinatamad ka na naman eh! Nagpapalusot ka lang!" tumihaya siya at nakabusangot pa rin.

"Jay, tapusin mo na ito para makatulog na tayo.." ngumiti naman siya ng malapad

"Dito ako matutulog sa kwarto mo?" pinag-isipan ko ang kapalit na gusto nya

Pagtingin ko sa kanya ay kulang na lang mag-puppy eyes siya.

If ever pangalawang beses nang tabi kami matutulog.

Wala namang masama diba? Gawain naman ng mag-bestfriend matulog ng magkatabi.

"Sige sige" pagpayag ko.

"Yey!" masaya siyang naupo na ulit sa tabi ko at nagdutdut sa calcu niya. Pinagmamasdan ko lang sya habang pinangkakamot sa ulo nya ang dulo ng ballpen nya..

Why do you have to be so addicting?

Napalingon siya sakin at ngumiti..

"Malapit na ako matapos!" napangiti naman ako sa sinabi niya..

"Mag-half bath na ako. Pagbalik ko dapat tapos ka na" bilin ko at tumayo.

Paglabas ko ng CR ay may bitbit na siyang tuwalya na nakasampay sa balikat niya.

She's getting prettier each day. Hindi na siya masyadong nagpupunta sa chilltop. Andyan na rin naman kasi si Kare na sumasama kay Arjon.

Sabi niya, hindi na rin daw sya naninigarilyo. Hindi na rin daw siya nagpapahalik kung kani-kanino. Ewan ko lang kung totoo kapag di kami magkasama.

"Nakahanda na po hihigaan natin.." tumango lang ako sa kanya at nilagpasan siya. Masyado siyang excited.

Tuyo na ang buhok ko ng pumasok si Jay sa kwarto. Sobrang bango niya talaga. Ang sarap... amoy amoyin.

"Bango mo naman, bess!" puna nya sakin. Siya nga itong ubod ng bango parang nang-aakit.

Lumapit siya sakin at hiniram ang blower.

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon