Chapter Fifteen

503 45 3
                                    

Patulog na ako ng maramdaman ko ang yakap ni Jay mula sa likod ko.

Bakit ganon? Bakit kapag sa kanya hindi ako naiilang? Hindi ako maka-kontra.

Muli na naman siyang kumanta ng 'Teardrops on my guitar' napaka lamig ng boses niya at parang hinihele ako nun.

"Favorite mo yan?" tanong ko sa kanya

"Relate lang"

Inisip ko naman ang lyrics ng kanta.. Hmm

"Jay.."

"hmm?"

"First time ko ito" pag-amin ko sa kanya

"First time kong may makatabing matulog maliban sa Mommy ko.." dugtong ko at hinawakan ang kamay niyang nasa tiyan ko.

"I'm happy to know that i have one of your first time" sagot nya at nilaro ang daliri ng kamay ko

"Because of that, you'll never forget me." napangiti akong mapait sa sinabi niya.

Mukang hindi ko na nga sya makakalimutan kahit anong gawin ko.

"I'll never forget you too, Kei" naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko. Nakakarami na siya sakin pero di ko talaga magawang patigilan siya..

Ang totoo, i want more. Nabibitin ako sa mga ginagawa nya.

"Ngayon lang rin ako may nakatabing matulog buong buhay ko. Even my mom.. Hindi niya ako natatabihan pagtulog. She's too busy to please my Dad and our businesses" pinisil ko ng mahina ang kamay niya sa sinabi niya..

"Hmm.. Paano yung mga nakaka-fling mo? Kapag nag-aano kayo? Di kayo nagtatabi matulog?" curious na tanong ko

"Anong ano? Haha" tumatawang tanong nya

"Alam mo tinutukoy ko. Don't make me said those sinful word!"

"So, iniisip mo na nakikipag sex ako?" diretsang tanong nya

"Bakit hindi ba? Halata naman sayo" sagot ko

"For you information, i'm virgin.." binulong ni Jay sa tenga ko ang huling salita. Mabilis akong lumingon sa kanya mabuti na lang mabilis siyang nakalayo dahil magtatama talaga mga labi namin kung hindi.

"Weh?!"

"You want proof?" pilya siyang ngumiti kaya inirapan ko siya at tumalikod sa kanya. Di ko mapigilan di mapangiti.

"Eh bakit sabi mo kanina, ma-ingat ka?"

"Ma-ingat nga. Kasi di ko ginagawa yun.. Marami ng sumubok pero hanggang kiss lang sila.. Hindi ko na sila kayang pagbigyan ng higit dun"

"Mabuti naman" casual na sagot ko.

I'm not against on premarital sex but i prefer to do it after marriage. Well, for me. And i want my partner to do the same.

"Pasok na ba ako sa standard mo?" tanong niya

"Hindi nuh! Naninigarilyo ka! Laman ka ng bar tapos kung kani-kanino ka nagpapahalik!"

"Hmm.. I smoke for 5 years na.. Ginawa ko yun dati para asarin si Daddy. Ayaw nya kasi sa babaeng naninigarilyo. Hanggang sa nakasanayan ko na kahit wala si Daddy. You want me to stop smoking?"

"Hmm.. Sana. Hindi rin maganda sa health mo yun tsaka baka mangitim ang lips mo. Sayang naman, ang ganda pa naman" tapat na sagot ko

"Hindi magiging sayang ito kung hahalikan mo hahaha" hinampas ko ng mahina ang kamay niya

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon