"Ako na magluluto" pag-volunteer ni Jay
"Ako na.." hinihila ko siya papuntang kwarto ko ng bawiin niya ang kamay niya sa akin.
"Ako na. I'm not comfortable kumain ng luto ng ibang tao" ibang tao? Ibang tao ako sa paningin nya.
"Ah.. S-sige" pagpayag ko na lang. Miss ko na rin naman na ipagluto niya ako.
Pinapanuod ko lang siya habang nagluluto siya sa maliit na lutuan dito sa kwarto.
Tumayo muna ako saglit para bumalik sa kwarto ko. Nilalamig kasi ako sa suot ko. Di naman ako sanay mag-sando ng ganito tapos ang lamig pa dito sa Tagaytay.
Nagsuot muna ako ng pullover jacket na maluwag na kulay pink at bumalik sa kwarto nya.
Naupo ako ng nakapatong ang paa at pinasok ang tuhod hanggang sa ankle sa suot kong maluwag na jacket.
Napalingon naman sa akin si Jay kaya medyo nahiya ako sa itsura ko lalo na ng ngumiti siya..
"You look prettier now." nahihiyang napakagat labi ako sa ginawang pagpuri nya. Pakiramdam ko ay nag-init din ang akong mga pisngi.
Pinatong nya na sa lamesa ang bacon and hotdog. Kumukuha na din siya ng plato namin kaya tumayo na ako para kumuha ng kutsara at tinidor.
Magkatapatan kaming kumakain ngayon. Parehas walang nagsasalita sa amin pero pasimple akong nasulyap sa kanya. Di lang talaga ako makapaniwala na kasama ko na ulit siya at sabay pa kaming nakain ng luto niya."Focus on your food, architect" nahiya ako sa sinabi niya kaya nagfocus na lang ako sa pagkain hanggang matapos at bumalik ako sa kwarto.
-
Buong araw sa site ay magkasama lang kami ni Jay. Yun din naman kasi ang trabaho ko. Lalo na't bago lang si Jay at ako ang partner nya sa project na ito.
Habang uwian ay narinig kong nagkukwentuhan ang ibang engineers ng katrabaho namin.
"Ang ganda ng bagong engineer nuh?"
"Kaya nga.. Swerte natin! Ganda ng Architect at Engineer natin! Haha" tumatawang sagot ng kausap niya
"Pero pansin nyo ba? Parang ibang iba si Architect Oinuma kay Engineer Pilones, kapag tinititigan nya ito. Ewan ko kung ako lang nakapansin ha? Parang di na siya humihiwalay kay Engineer." nagkunwari naman akong ubo para marinig nila..
"Ano chismisan dito?" singit ko..
"Uy! Architect.. Andyan ka pala hehe" nahihiyang saad ni Engineer Gio Sarmiento. Yung matabang pangit na engineer na nagsabing hindi na daw ako humiwalay kay Jay.
"Oo, Engineer Sarmiento.. Andito ako at rinig na rinig ko chismisan nyo." deritsong sagot ko
Tumawa naman si Engineer Marcus Wang na kausap kanina ni Gio kanina.
"Nasaan si Engineer Pilones?" hanap ni Marcus dito
"Nasa puso ko." simpleng sagot ko sa kanila.
Ngumiti naman ng nanunudyo si Gio.
"Sabi na nga ba, architect. Type mo nuh?" hindi ko siya sinagot
"Akala ko hindi ka into girls, architect?" patanong na saad ni Marcus.
"I'm not into girls.. I'm not into boys.. I'm only into Engineer Jayleigh Pilones." tuwang tuwa naman ang dalawa sa sagot ko..
"Naks! Sana all! Haha" tumatawang saad ni Gio
BINABASA MO ANG
She's Faithful
FanfictionWhat is faithfulness? For me? It's believing without a single proof. Staying without expecting any return. She's faithful. She loves unconditionally. She loves only one person despite of the trials and hardship. JELRI FANFICTION STORY