Chapter 28

615 42 8
                                        

KEI ARIE OINUMA

Nagising ako na parang may nagluluto. Ang bango ng amoy.

Pagdilat ko ng mata ko ay agad ko nilibot ang paningin.. Ang lambot ng higaan ko.. Puro music instrument nakikita ko.

Napabalikwas ako ng bangon ng makita ko ang graduation picture ni Jay sa dingding.

OMG! Nasa kwarto ako ni Jay!

Nakita ko rin ang tubig sa bedside table kaya uminom ako dun. Pakiramdam ko tuyong tuyo lalamonan ko parang ang daming tubig nawala sa akin.

Muli akong nahiga sa kama at tumulala sa kisame.

Ano ba nangyari kagabi?

Ang huling natatandaan ko na lang ay nung lapitan ako ni Jay, tinanong ko siya kung pwedeng maging akin siya ulit pero di nya ako sinagot. Pagkatapos nun, wala na akong maalala. Nagising na lang ako dito

"You're awake" napatingin ako kay Jay ng magsalita ito.

Nahihiya akong naupo sa kama niya..

"Okay ka na ba?" lumapit siya sakin at naupo sa gilid ng kama.

"Ewan" makahulogang sagot ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Kain na tayo.." napabuntong hininga lang ako.

"C'mon architect, may pasok pa tayo" aya nya sakin.

"Ayukong pumasok" paki-ramdam ko wala akong lakas ngayon. Gusto ko lang mahiga dito.

"Kapag di ka kumilos ngayon, i can't be at work too. Hindi naman pwede dalawa tayong absent."

"Iwan mo na lang ako dito. I-lock ko na lang itong unit mo. Wag kang mag-alala hindi ako magnanakaw." giit ko sa kanya

"You're acting so stubborn lately.. C'mon architect, let's eat. Ako pa naman nagluto" yung gusto ko magpalambing sa kanya.. Kaso alam kong hindi nya gagawin kasi ang weird naman kung lalambingin nya yung katrabaho niya diba? Lalo na't may nagpapasaya na sa kanya.

"What do you want?" yakap mo..

"Gusto mo dito na tayo sa kama kumain? Kaso may sabaw yun, baka matapon dito" nang walang makuhang sagot sakin ay akma na siyang tatayo kaya hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya..

Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at hinila ako patayo sa kama..
Parang zombie naman akong naglakad.

"Baka mabunggo ka.." puna nya sakin. Lumabi lang ako.

Nagulat ako ng pinayakap niya ang mga kamay ko sa bewang niya. Kinuha ko agad ang pagkakataon na yun para yakapin siya mula sa likod.

Naglalakad siya habang nakapikit akong nakayakap sa kanya mula sa likod. Just like before.

Huminto siya sa may dining table at pinaupo ako dun..
Nagsandok muna siya ng kanin at nilapag sa lamesa.

Pinagmamasdan ko lang siya ng maamoy ko ang pamilyar na ulam na paborito ko.
Bumalik siya at nilapag ang Sinigang na Bangus sa lamesa.

Tinitigan ko siya na parang inaakusahan.

"Bakit ito niluto mo?" para naman siyang kinabahan sa tinanong ko

"K-kasi may sabaw. Masarap ang sinigang para sa mga may hang over." sinuri ko naman siya ng tingin kung nagsasabi siya ng totoo.

"Jay, hindi mo naman ako niloloko ng sinabi mong hindi mo ko maalala diba?" paninigurado ko.

"H-hindi. B-bakit naman kita lolokohin?" tinuon ko na ang pansin ko sa pagkain.

"Kapag pinagtritripan mo lang ako, sinasabi ko sayo.. Jay!" banta ko pa rin sa kanya

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon