Chapter 25

499 37 11
                                    

Pagkagising namin ay nagmadali na kaming kumilos para pumasok..
Naging busy kami sa site ng araw na iyon.

Nang matapos ang duty ang naglinis ulit ako ng katawan at nagbihis.
Nang paki-ramdam ko, okay na itsura ko ay kumatok na ako sa kwarto ni Jay.

Ilang beses na ako kumakatok pero walang nasagot.

"Umalis si Engineer, Architect!" singit ni Marcus

"Ha? Kailan?" takang tanong ko

"Kanina. Naka-motor siya eh" nalungkot naman ako sa narinig ko.

Saan kaya siya pumunta? Hindi niya ako sinama. Wala pa naman akong contact number nya kaya di ko siya matatawagan.

Laglag balikat akong bumalik sa kwarto ko.
Inip na inip akong naghintay kay Jay kasi baka bumalik siya, baka may pinuntahan lang. Baka may binili na lang.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako ng wala man lang kain.

Kinaumagahan kumatok ulit ako sa kwarto niya pero walang nasagot kaya mukang hindi pa siya nakakabalik.

Mag-isa akong kumain ng almusal. Normal ko namang ginagawa ito ng halos ilang buwan na pero ngayon nakakaramdam ako ng lungkot.

Walang gana akong pumasok sa duty ko.

May mga ilang construction workers pa ang bumati sakin pero nginitian ko lang ng tipid.

Ilang saglit pa ay dumating na si Jay. Di ko siya tinitignan. Naiinis ako sa kanya. Iniwan nya ako kagabi.

Nagcheck siya ng mga morming errands niya. Ilang minuto pa ay lumapit siya sakin.

May sinasabi siya sakin tungkol sa construction. Tumango lang ako. Siya naman mas maalam sa structural.

Tahimik lang siyang nakatayo sa tabi ko at pinapanuod namin yung mga nagbubuhos ng semento kung nasa standard ba ang mga materials at sumusunod ba sila sa mga protocols. Nang mapagod ako tumayo ay naupo naman ako. Maya maya ay sumunod din siya sakin pero di ko pa rin siya iniimik.

So in short, buong araw wala kaming imikan. Hindi niya rin ako iniimik kapag hindi tungkol sa trabaho kaya bahala siya dyan.

Gabi na at wala akong ganang kumain, wala din akong ganang lumabas kaya nahiga na lang ako sa kama ko. Nakarinig naman ako ng tumutugtog ng gitara sa katabing kwarto ko.

Nandiyan si Jay. Hindi siya umalis.
Pinag-iisipan ko kung ibaba ko na ang pride ko at kakatok sa kanya o mananatiling pabebe at titiisin siya.

Nakaka-inis naman kasi siya! Iniwan nya ako kagabi ng walang paalam pero sa kabilang banda, hindi niya PA naman ako girlfriend kaya wala siyang responsibilidad magpaalam sa akin.

Nang matapos makipagtalo sa sarili ko ay tumayo na ako at saktong paglabas ko ng kwarto ay siyang paglabas din ni Jay sa kwarto nya kaya napatingin siya sakin.

Nakasuot siya ng black sweat shirt na may pagka-hanging at shorts. Naka-tsinelas lang siya kaya nagtaka ako.

"Ahmm.. Papahangin lang ako diyan" saad niya..

"Bakit ka nagpapaalam sakin ngayon?! Girlfriend ba kita?!" puno ng hinanakit na saad ko.

"Na-nabanggit ko lang" kumakamot sa ulong saad niya.

"Samahan mo ko kumain.." pahayag ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nya naglakad na ako.

Paglingon ko sa likod ay nasunod naman siya sa akin kaya pasimple akong napangiti.

Sa malapit na maliit na kainan lang ako pumunta.

"Kumain ka na ba?"

"Yeah" kumunot naman noo ko sa sagot nya

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon