Chapter Sixteen

538 43 15
                                        

People change, feelings change. It doesn’t mean that the love once shared wasn’t true and real. It simply just means that sometimes when people grow, they grow apart.

------

Muli akong nagising sa malambing na paghaplos ni Jay sa buhok ko..

"Good morning. Let's eat breakfast na. Maaga pasok ko today." MyGosh Jay..

Napayakap ako sa leeg niya at pasimpleng inamoy yun.. Ang bango niya. I can't resist.

"Kei.. Malalate ako" paalala niya sakin.

"Bakit maaga pasok mo? Diba dapat 11am pa? Tsaka hindi mo ko mahahatid?" binitawan ko na siya at tumitig sa muka niya.

"Babalik ako dito para mahatid ka. May seminar for graduating lang kami" tumayo na si Jay kaya tamad na tamad akong bumangon..

"Faster, Kei.." nagtungo si Jay sa likod ko hinawakan ang magkabilaang braso ko para igiya ako papuntang hapag kainan.

"Di mo man lang kami hinintay" puna ko kay Kare na nakain na.

"Ang tagal nyo kaya! Naglampungan pa ata kayo sa kwarto" deritsang saad nito. Hindi na ako umimik.

Nagkwento si Kare tungkol sa thanks giving party ni Jay.. Pinakinggan lang namin siya.. Ang daldal niya at halatang natuwa siya. Nakakaramdam tuloy ako ng inggit. Sana nakasama din ako.

Pagkatapos kumain ay nagmadali ng umalis si Jay para pumasok.

"Anong real score nyo?"

"Nino?" maang-maangan kong tanong kay Kare.

"Duh! Edi ni Jayleigh!"

"Anong tanong yan? Edi, bestfriend!"

"Sure ka?" paninigurado niya na hindi ako maka-imik.

"Paano si Jensen?"

"Kare, ang hirap pigilan.. Sinubukan ko naman. Nung nasa Japan ako sinubukan kong ibalik ang nararamdaman ko kay Jensen at iwasan si Jay pero pagkakita ko pa lang kay Jay, tuwang tuwa na ako. Miss na miss ko siya na parang ayuko siyang mawala sa paningin ko, sa tabi ko. Kare, gulong gulo ako.." napayuko ako. Nahihiya ako.

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Kareza.

"Makipag-break ka na kay Jensen" napa-angat ang ulo ko at napatingin kay Kare.

"Nanghihinayang ako sa 3 years, Kare. Natatakot ako na baka na-overwhelmed lang ako kay Jay. Natatakot ako na kapag binitawan ko si Jensen marealize ko na siya talaga ang mahal ko. Isa pa, si Jensen talaga ang tama para sakin. Siya yung dapat.." parehas kaming natahimik ni Kare. Alam kong naiintindihan niya ang nararamdaman ko.

Hindi madaling bitawan ang 3 years na relasyon namin ni Jensen para lang sa hindi siguradong nararamdaman ko kay Jay.

Kasi yung sa amin ni Jensen lahat nakaplano na. At kung pipiliin ko si Jay, we will start at scratch. Magsisimula kami sa zero. Paano kung hindi mag-work?

"Masaya ako kay Jay pero si Jensen ang dapat." ngumiti ng mapait sa akin si Kareza

"Wag mo na lang iwasan si Jay kasi kapag lalo mo siyang iniwasan mamimiss mo lang siya.. Lalo mo lang siyang hahanapin. Malay mo, sabi mo nga baka na-ooverwhelmed ka lang sa kanya. Hayaan mo na lang lumipas basta alam mo limitasyon mo. Wag mong papaasahin si Jay, lagot ka sakin!" binatukan pa ako nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala akong sinasabi kay Jay na kahit ano.. Hindi rin naman ako sigurado tapos wala din siyang sinasabi na kahit ano sakin"

"Hmm.. Ayos lang yan. Go with the flow. Masyado ka ng mabait baka sumobra ka sa langit, tama yan para naman ma-minus points ka sa langit!" sinamaannko siya ng tingin

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon