Chapter Fourteen

453 39 12
                                    

For the past few days, I try hard to avoid Jay at ibalik ang pansin ko kay Jensen.. Hanggang kaya ko pang patayin yung nararamdaman ko kay Jay dapat patayin ko na.

Hindi ko nirereplyan si Jay at gumagala kami ni Jensen palagi. Lagi lang kaming magkasama.

"Ten minutes na lang New year na!!" masayang paalala sakin ni Jensen.

I received a chat from Jay.

"New years eve kiss." simpleng chat niya.

Ngayon lang.. Ngayon lang ulit ako magrereply sa kanya.

"Ikaw ba? Kanino mo binigay New years eve kiss mo?" curious na tanong ko. Nauuna kasi oras sa kanila.

"Wow! You replied! Haha" sarcastic na  reply niya. "Sa taong mahal ko" sunod na chat niya.

Ahh.. I see.

Hindi na ako nagreply pa. Kabaliwan lang talaga na sirain ko magandang pagsasama namin ni Jensen dahil lang sa nalilito ako sa nararamdaman ko kay Jay.

"5-4-3-2-1!!" mabilis na humalik si Jensen sa labi ko..

.

.

.

.

Mabilis ko rin inilag ang muka ko kaya sa pisngi lang iyon tumama.

"Happy New Year!" bati ko sa kanya. Kunot noo nya nung una pero ngumiti din siya.

"Happy New Year, Hon! More new year to celebrate with youuu!!" masayang saad nya at yumakap pa mula sa likod ko..

Nanuod lang kami ng fireworks na ganon ang position..

"I love you, Kei" bulong ni Jensen.

"Love you too, Hon" nakangiting sagot ko.

------

Kakarating lang namin ng Pilipinas..
Sinundo kami ni Kareza at Arjon.

"Welcome Back Couz!!"

"Grabe naman! 2 weeks lang ako nawala" natatawang sagot ko. OA ni Kareza

Kumapit siya sa braso ko.. Nilingon ko naman si Jensen na nagbubuhat ng gamit namin.

"Okay ka lang dyan, Hon?"

"Ahh.. Sige lang hehe" sagot ni Jensen pero tinulongan siya ni Arjon.

"Nagpabook ka na ba ng grab?" tanong ko kay Kare

"Oo naman! Hehe" tuwang tuwang sagot nya

Naglalakad na kami sa daanan ng sasakyan ng biglang parang gusto ko na ulit pumasok sa loob ng airport.

Kotse ni Jayleigh yung huminto sa tapat!!!

"Ayan na pala sundo e" pahayag ni Arjon at binuksan na ang compartment.

"Bakit di mo sinabi na si Jay ang susundo?" bulong ko kay Kareza

"Bakit kailangan pang sabihin? Friend mo naman si Jay." nagtatakang tanong ni Kare

Napapikit na lang ako ng makitang pinapasok na rin ni Jensen ang gamit namin sa compartment. Hindi na ako pwedeng tumanggi, magtataka si Jensen.

"Halika na!" hinila na ako papasok ni Kare. Sa backseat kami naupong dalawa.

Hindi ko tinitignan si Jay pero amoy na amoy ko ang pabango niya..

"Welcome back, Kei!" malambing na bati niya. No choice na naman ako kung hindi tingnan siya.

Nanlaki ang mata ko ng mapansin kong wala ng highlights ng blond ang buhok nya. Itim na itim na iyon na parang napalambot.

"Nagpakulay ka ng buhok?"

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon