Chapter 29

589 44 19
                                    

Sabay kaming napatingin ni Jay sa may pinto ng makarinig ng sunod sunod na doorbell.

"Yung pagkain ata yun" nagmadali si Jay pagbuksan ang taong parang sisirain na ang doorbell ng unit.
Sobrang istorbo naman nun!

Pumasok na yung bellboy at naglapag ng mga pagkain sa lamesa namin..
Pagkalabas ng service ay tahimik lang akong pinagmamasdan si Jay.

"Anong sasabihin mo, Jay?"

Napakamot naman siya sa noo nya at parang nag-aalinlangan..

"Let's eat muna.." aya nya sa akin at hiniwa ang steak na nasa plato ko.

Tinititigan ko lang siya habang ginagawa nya yun.. Hanggang mapadpad ang tingin ko sa mga labi niya.

Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko.

Hindi lang pala mukang malambot ang labi nya kundi talagang malambot at masarap.. Sobra yung kabang nararamdaman ko. Kabog na kabog ang puso ko.

First kiss ko siya at hindi ko pagsisihan yun.

Alam kong nasabi ko na gusto ko ang first kiss ko sa kasal ko pero kasi gusto kong iparamdam kay Jay na mahal ko siya at gusto ko rin maramdaman na mahal niya ako.

Kahit alam ko naman na para sa kanya wala lang yung kiss. Sanay sanay na kaya yan makipaghalikan kung kanino!

"Here.. Kumain ka muna" inabot nya sakin ang steak na nahiwa niya na..

Tahimik lang kaming kumain parehas kaming nagpapakiramdaman.

Baka nagulohan siya sa lahat ng sinabi ko kanina. Hindi niya naman alam kung saan ako nang-gagaling.

                                                
Pagkatapos kumain ay nagligpit si Jay ng pinagkainan namin.
Lumapit naman ako sa kanya..

"Jay.." lumingon naman siya sakin habang nilalagay sa lababo ang mga plato at ginamit namin.

"Hmm?"

"Ano yung sasabihin mo?" baka kasi sabihin niya sakin na may Archie na siya.

O baka pwede nya naman sabihin na ako pa rin. Tumugon siya sa halik ko kaya umaasa ako na baka ako pa rin.

Naramdaman ko yung pagmamahal dun at umaasa ako na naramdaman niya rin yun.

Nagpunta siya sa may higaan kaya sinundan ko siya dun.

"Ahmm.. Hindi ka pa ba matutulog?" tanong nito na nagpakunot ng noo ko

Parang dini-delay niya yung sasabihin niya eh.
Hindi naman ako umaasa ng sobra na tutugon siya sa mga sinabi ko.

Gusto ko lang talaga once and for all mailabas lahat ng iyon para kahit papaano mabawasan ang bigat ng nadarama ko.

"Wag mo na patagalin, Jay." saad ko sa kanya at inagaw ang unan na hawak niya at binato sa kama.

Tumingin naman siya sakin at kitang kita ko ang pag-aalinlangan nya.

"Kei.. Ahmm.. Ano kasi.." napapakamot siya sa noo nya na para siyang na-tetense.

"Jay, okay lang kung hindi tayo parehas ng nararamdaman.."

"Kei, hindi ganon!" mabilis na kontra niya..

"So? Mahal mo rin ako?" full of hope na tanong ko..

Napaiwas naman siya ng tingin sa akin at napakamot sa ilong nya.

"Kei.." ang seryoso ng boses nya. Hindi ko maiwasan makaramdam ng kaba.

"Kei.. Naaalala ko lahat.. Hindi ako nakalimot. Hindi kita nalimutan" napanganga ako sa sinabi niya..

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon