Chapter Four

534 40 2
                                    

JAYLEIGH PILONES

"Sumama ka na! Kahit isang kanta lang" pamimilit sa akin ni Arjon. Wala nga ako sa mood ngayon e.

Lalo na't alam kong maraming mga schoolmate akong pupunta ngayon sa Chill Top pagkakagulohan na naman ako ng mga taga ibang school. Hassle. Di naman ako makatanggi.

Pinatayan ko na ng tawag si Arjon pero maya maya ang tawag. Medyo mahiyain kasi siya kaya gusto nya samahan ko siya, na-shoshort kasi sya sa budget kaya umi-extra sa mga bar para magkapera.

Dahil sa pangungulit niya ay pumayag na rin ako.
Inaayos ko ang gamit ko ng mag-call si Mommy.

"Baby.." malungkot na bungad nito

"Mom. Dadalaw ako sa bakasyon." sagot ko at pinakinggan na ang sunod sunod na drama ni Mommy

Gusto nya kasi sumama ako sa kanila sa New Jersey para buo na kami. Ang kaso nga lang di ko masuka ang asawa niyang babaero! Okay, her husband is my Dad.

Nakaka-inis si Mommy kahit harap harapan na siyang niloloko ni Dad hinahayaan niya lang. Di ko alam bakit di nya magawang iwan. Dahil ba sa yaman ni Dad? O dahil sa punyetang pag-ibig na sinasabi niya?

That word 'love' is really cliché, dramatic and mythical.

After ng call ni Mommy ay nakaramdam ako ng stress. Timing nga siguro na mag-bar ako tonight.

Andyan lang naman sa baba ng unit ko ang chill top.
Sinundo pa ako ni Arjon dito para sabay kami papunta.

Best friend ko yan si Arjon, hindi ko rin alam paano dahil he's kinda baduy and budoy.

Pagdating namin sa bar ay ang dami ng tao.. Dumiretso kami sa stage. Lahat na naman ng mata na sa akin. Well, i can't blame them. Marami naman talagang nagsasabing malakas ang dating ko.

Kinuha ko ang violin ko at pinusisyon sa akin. Nagsimula ng magtipa ng piano si Arjon kaya pumikit na ako. Tumahimik din ang paligid which i like.

Iba nararamdaman ko habang tumutugtog ngayon. Parang may matang nakatingin. Well, ofcourse meron talaga dahil maraming nanunuod pero iba ngayon.

After i played the violin i opened my eyes and catch the gaze of the one who give me uncomfortable feelings.

A girl holding a pineapple mix cocktail. She's simple at parang siya yung tipo ng kaibigan na napilitan lang sumama sa gala, wala siyang paki-alam sa paligid at nakatanaw lang sa malayo.

Ang daming lumalapit sa akin pero ako, di ko maiwasan mapasulyap sa babaeng ni hindi man lang ako binabato ng tingin.

May lumapit na lalaki sakin. Isa siya sa kasama nung babae kaya nung inaya niya ako sa table nila, sumama agad ako. Tsaka nahihiya din kasi ako tumanggi. Alam ko kasi yung pakiramdam ng tinatanggihan. Masakit yun at ayukong makasakit.

"Hi Guys!" bati ko sa grupo nila. Lahat sila tuwang tuwa sa presence ko. Well, except her.

Tumabi ako sa kanya at dun lang sya tumingin sakin.

"I hope you don't mind" saad ko pero binalewala niya lang ako.

Lahat kami nagkwekwentohan pero siya tahimik lang sa gilid.

I lit up a cigarette at dun nya lang ako muling tinignan na parang naaasar.

"Sorry.. You hate smoke?"

"Dun ka na lang sa malayo manigarilyo" first time nya akong napansin pero parang galit pa siya.

She's unbelievable! Yung iba makatabi lang ako tuwang tuwa na.

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon