Inayos ko ang sarili bago lumabas ng cr.
"Ayos ka lang?" salubong sakin ni Kare. Tumango lang ako at naupo sa tabi ni Jay pero may pagitan na.
Kumain na lang ako ng pizza at tahimik na nakinig sa kanila. Hindi rin naman ako pinapansin ni Jay.
Ewan ko, baka naturn off siya sakin. Maya maya ay nagpaalam na ako.
"Matutulog na ako." saad ko pero kay Kare lang natingin.
Patayo na ako ng hawakan ni Jay ang kamay ko.
"Sa tabi mo ko matutulog ha?" binawi ko sa kanya ang kamay ko
"Bahala ka" tipid na sagot ko at iniwan na sya dun.
Hindi ako makatulog. Nakaharap lang ako sa pader habang nakahiga ng maramdaman kong tumabi si Jay ng higa sa akin..
Niyakap nya ako mula sa likod na agad kong tinanggal.
"Are you mad?" di ko siya sinagot.
"I hope you get my point, Kei." bumuntong hininga siya at nanatiling nakaharap sa akin.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang makatulog.
Nagising ako na wala siya sa tabi ko.. Walang gana akong bumangon at hinanap siya.
Nakita kong magkasama sila ni Jensen sa kusina.. Hindi ko alam ano pinag-uusapan nila.
"Good Morning, Hon." bati ko kay Jensen at hinalikan sa pisngi.
Sinadya kong ipakita iyon kay Jay.. Medyo nagulat din si Jensen sa ginawa ko.
"Good morning, hon! Happy valentines!" masayang bati nya sakin at inabot ang bulaklak..
"Tapusin ko lang pagluluto ko" kalmadong paalam ni Jay at nagtungo sa ref.
"Happy Valentines!" pinilit kong pasiyahin ang boses ko..
"Ano yung nasa leeg mo?" takang tanong ni Jensen..
"Ha? Bakit? Ano meron?" takang tanong ko
Kumunot naman ang noo ni Jensen
"Hickey ba yan?" kinabahan naman ako sa tanong nya pero di ko pinahalata
"Haha loko! Paano ako magkaka-ganon? Teka nga! Titignan ko" tumatawang sagot ko at nagtungo sa cr para i-check ang leeg ko
Shit.
Meron nga!
Maliit lang naman ito at di masyadong bakat na kiss bite talaga.
I compose myself at lumabas ng cr.
"Baka kagat ng lamok" sagot ko. Nagsalubong ang kilay niya
"Kagat ng lamok? Naka-condo ka, Hon. 28th floor" panghuhuli nito sakin.
"Hindi ko alam.. Baka kung anong insekto may gawa nyan." pag-tanggi ko at napasulyap kay Jay na busy sa pagprito ng itlog.
"Sabagay.. Mag-ready ka na. Date tayo!" masayang aya niya.
"Yey!" kunwaring excited na sigaw ko para marinig ni Jay.
"Gusto mo sumama, Bess?" pang-aasar ko sa kanya.
"No. Thanks. May date din ako." sagot nya sakin, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Mas okay.. Double date?" tanong ni Jensen
"Wag na, hon. Mas gusto ko na palang makapag-solo tayo" tahimik lang si Jayleigh at di ko alam natakbo sa isip niya.
Nang araw na yun ay nag-date nga kami ni Jensen. Tamang gala lang sa mall at window shopping tapos kumain lang kami sa mumurahing restaurant.
BINABASA MO ANG
She's Faithful
FanfictionWhat is faithfulness? For me? It's believing without a single proof. Staying without expecting any return. She's faithful. She loves unconditionally. She loves only one person despite of the trials and hardship. JELRI FANFICTION STORY