Chapter Thirteen

450 38 11
                                    

Nakatitig lang ako sa text ni Jay ng pumasok si Mommy.

"Ayos ka lang?" bungad nya sa akin.. Ngumiti lang ako ng alanganin.

"Tingin ko mahalaga sayo yung Jay na yun." naupo si Mommy sa kama ko.

"Hindi ah" pag-tanggi ko.

"Miss mo na siya?"

"Hindi rin!" ngumiti si Mommy sa sagot ko

"Akala ko ba kaibigan mo yun. Bakit di mo namimiss?"

"Ah.. Eh.. Oo. M-miss ko siya pero as a friend" lalong lumawak ang ngiti ni Mommy at hinawakan ang kamay ko.

"Pwede ko bang makilala yang friend mong yan?" tinitigan ko lang si Mommy..

"Hmm.. Mommy, nagtext nga siya eh. Di ko alam irereply ko." pagtatapat ko kasi sumasakit na ulo ko isipin ano irereply ko. Tsaka baka kasi group message lang iyon.

"Ano ba sabi nya?"

"Merry Christmas" natawa ng mahina si Mommy kaya nagtaka naman ako.

"Edi, replyan mo ng Merry Christmas din. Ano ba dapat i-reply dyan? Bakit? May iba ka bang gustong sabihin?"

Sabay kaming napatingin ni Mommy sa phone kong tumunog.

"Si Jay!" bulalas ko ng makitang tumatawag siya pero mabilis niyang pinatay ang tawag. Napindot lang siguro.

"Tawagan mo na" suhisyon ni Mommy.

"Ano sasabihin ko?"

"Basta tawagan mo siya.. Kapag nandiyan na, sigurado akong may masasabi ka" paninigurado ni Mommy..

Inabot ko sa kanya ang phone ko.

"Ikaw na po." nangiti si Mommy at nagpindot pindot sa phone ko.

"Hi." bati ni Mommy. Ang bilis naman. Di ko man lang narinig na tumunog ang phone tsaka videocall ba sila?

"H-Hello?" biglang kumabog ang dibdib ko ng marinig ang nalilitong boses ni Jay.

Nahiga si Mommy sa tabi ko at nakita ko si Jay. Mabilis kong inagaw kay Mommy ang phone..

"Bakit ganyan suot mo?! Baka siponin ka!" naka-sando lang kasi siya tapos kita kong parang nasa balcony siya at umuulan pa ng snow. Umaga nga pala sa kanila ngayon.

"Lumabas lang ako saglit para mag-smoke" sagot niya. Napatingin naman ako kay Mommy. Baka kasi narinig nya yung sinabi ni Jay na maninigarilyo ito.

Nagpatay malisya naman si Mommy at nakatingin lang sa screen ng phone ko.

"Pasok ka na sa loob.." utos ko sa kanya.

"Sige." mabilis naman sumunod si Jay sa sinabi ko. Pagpasok nya sa room nya ay kitang kita ko kung gaano iyon kalaki at kaganda.

Grabe! Ang yaman.

Nahiga siya sa kama at nagtitigan lang kami. Hindi ko talaga alam sasabihin ko. Medyo naiilang na ako.

Tumingin ako kay Mommy para manghingi ng tulong.

"Pakilala mo ko" bulong niya sakin

"Jay, gusto ka makilala ni Mommy" nag-iba naman ang reaksyon ni Jay para siyang kinakabahan.

"Ha? B-Bakit?" nagkibit balikat ako at inabot kay Mommy ang phone.

"Hello po.." maamong bati ni Jay

Nakikita ko pa siya pero ako hindi nya na nakikita kasi si Mommy lang nasasama sa cam.

"Hi Jay.. Friend ka daw ni Kei?"

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon