Chapter Two

685 51 25
                                    

KEI ARIE OINUMA

Pagkatapos ng encounter namin nung Jayleigh na yun ay di nya na ako tinantanan. Hindi ko alam kung anong mapapala niya sa pangungulit sa akin.

Alam niya naman na may boyfriend ako pero panay pa rin ang pagchat niya sa akin. Yung friend request niya sa FB di ko inaaccept pati na ang follow request niya sakin sa twitter at Instagram.

Ito rin kasi si Kareza binibigay sa kanya. Masyadong nagpapa-uto sa salita nun.
Hindi talaga ako interesado sa kanya dahil may boyfriend ako at kahit wala tingin ko hindi pa rin.

She's smoking! Dun pa lang ekis na siya sakin. Masyado din syang takaw pansin, ayuko ng ganon. Gusto ko, ako lang dapat nagkaka-gusto sa gusto ko.

Then she's liberated and i'm conservative. As in, super duper conservative!
Kahit na 3 years na kami ng boyfriend ko di pa nakaka-halik sa akin yun. Ayos lang naman, may pagka conservative din kasi siya. Laki kasi sa lola.

Gusto nyo makilala boyfriend ko?

Well, he's currently reviewing for bar exam. He's 3 years older than me. He is 25 years old and i am 22 years old. He's name is Jensen Francisco.

Ang gwapo ng pangalan nuh? Pangalan pa lang yan! Hindi lang sya pogi, sobrang mapagmahal niya pa sa Lola niya kaya alam ko kapag naging mag-asawa kami magiging mabuti siyang ama at asawa.

Pinaka nagustohan ko sa kanya ay yung pagiging goal oriented nya kaya nga medyo na prepressure din ako. Di rin madali ang course ko kaya nagpapasalamat din ako na graduating na ako ngayon.

Kapag nakatapos na ako ng course ko at pumasa ng bar exam si Jensen, ilang taon na lang pwede na kami magpakas--

"Jayleigh!!!" nahinto ang pag-iisip ko sa pagsigaw ni Kareza.

Mygosh! Don't tell me. Nasa labas ang papansin na yun?

"Hi Kare!" narinig kong bati niya.. Napa rool eyes na lang ako at nagsalpak ng earphone sa tenga ko.

Tinuloy ko ang pagbabasa dahil may exam pa kami bukas.

Nagulat ako ng hilain na naman ni Kareza ang bandana sa ulo ko at tanggalin ang earphone ko.

"Ano na naman?!"

"Si Jay nasa labas. May dalang pizza. Tara!" aya niya sakin.

Kinaladkad niya ako palabas ng kwarto ko. Naabutan kong naka-upo sa couch si Jay at nanunuod ng cartoons. Weird

"Kei, Pizza." alok niya sakin

"Mag-aaral pa ako, Kare. Kayo na lang" paalam ko dito at muling pumasok sa kwarto.

Ni-lock ko na ang pinto at naupo ulit sa trono ko.
Saglit pa lang akong naka-upo ay rinig na rinig ko na ang hagikgik ni Kareza. Napaka-harot!

Bigla silang tatahimik tapos hahagikgik na naman. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila o ginagawa. Wala din naman akong paki-alam sana kung di lang sila nakaka-distract sa pag-aaral ko.

"Kei, uuwi na si Jay" nakatok na ani ni Kare. Di ko na lang siya pinansin. Aalis din naman yan kapag di ako sumagot.

"Wala e. Ayaw lumabas" narinig kong saad niya. Siguro kay Jayleigh nya sinasabi.

"Hayaan mo na. Sa susunod na lang" tumaas kilay ko sa narinig.

Talagang may balak pa siyang bumalik ah? Nakakatawa talaga sya.

"Bye Jay! Ingat ka, salamat sa pizza" narinig kong ani ni Kare.

Lumabas ako ng kwarto para mag-cr. Kanina ko pa pinipigil ito dahil ayukong magpakita kay Jayleigh e.

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon