"Kei, Jay ito. Open the door" ilang sandali lang ay agad dumating si Jay pagkaalis ni Jensen. Sa tingin ko ay sinabihan siya ni Kare or Arjon.
"Jay, not now please." gusto ko lang mapag-isa ngayon..
"I'm here, Kei.. I'm always here." lalo lang akong naiiyak na marinig ang boses ni Jay..
"Kei.. I heard you and Jensen have a quarrel. I'm here, Kei. I can be your handkerchief. I can be anything you want me to be" nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Jay
"Did he hurt you? Niloko ka ba nya? I can ease your pain, Kei.. I-if you want.. I can be your rebound. Sasalohin kita Kei.." hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko sa sinabi ni Jay.
Hindi niya deserve iyon. Deserve nyang piliin and i was too dumb not to choose her.
Siya lang naman yung sinayang ko para sa pangarap ko na kasama si Jensen.
"Just tell me how can i help you.. Hindi ako mag-dedemand ng kahit ano sayo Kei. Makukuntento ako sa kaya mong ibigay sakin. Kahit latak lang ng pagmamahal mo sa kanya, Kei.. Tatanggapin ko. Ganon kita kamahal.. Kung hindi ka nya nagawang alagaan, aalagaan kita. Hinding hindi kita papakawalan"
"Jay.. D-don't say that.." mahinang saad ko..
"I will give you time to think, Kei. Sana ngayon, piliin mo na ako.. Umaasa akong pipiliin mo ko"
Iyak lang ako ng iyak hanggang makaalis si Jay. Hindi ko alam ang una kong iisipin.
Hindi ko lubos maisip ang panloloko ni Jensen pero mas nasaktan ata ako sa pagmamakaawa sakin ni Jay.
"Jay.. I don't deserve you"
Nagpatuloy lang ako hanggang sa makatulog na lang ata ako kakaiyak.. Nagising akong halos di na mamulat ang mata ko..
Paglabas ko ay naabutan ko si Kare na nagluluto ng almusal.
"Hindi ko muna pinapunta si Jay.. Alam ko naman na ayaw mo muna makipag-usap sa iba." tumango lang ako sa kanya at naupo..
"Anong nangyari sa inyo ni Jensen? May kinalaman ba si Jay?" sunod sunod na tanong nya sakin.. Nakatulala lang ako. Hindi ko alam paano sasabihin sa kanya kasi di pa rin malinaw sa akin ang lahat.
"Wag muna ngayon, Kare" sagot ko sa kanya.
Hindi rin ako nagpahatid kay Jay dahil gusto kong makapag-isip isip muna.
Ngayon pa talaga sumabay problema namin ni Jensen kung kailan final presentation na ng building design ko.
Last day na rin ng klase ngayon at mag hihintay na lang ako sa graduation if ever mapasa ko ang defense.
"Very Kei, Congrats!" papuri ng mga funnel sa akin..
"Nice technical design.." sa sinabi ng isang funnel ay naalala ko si Jay. Siya ang tumulong sakin tungkol sa mga materials na gagamitin at proper planning ng technical. Kung tutuusin exterior design and some interior design lang talaga ang ginawa ko.. Yung sa mga outline si Jayleigh na lahat.
After ng presentation ko ay nagpaalam na ako..
Paglabas ko ng room ay sumalubong sakin si Jensen..
Nilagpasan ko lang siya ng tingin at dumiretso lakad pero mabilis niya akong hinarang."Please, Kei.. Let's talk.." hindi ko pinansan ang sinabi at dumiretso lakad lang.
"Kaya siguro ayaw mo na makipag-usap sakin kasi masaya ka na dahil sa wakas magiging malaya na kayo ni Jay!" napahinto ako sa sinabi niya..
"Let's talk, Kei!" mabilis nyang hinawakan ang pulsohan ko at hinila ako. Nagpatianod na lang ako sa kanya hanggang marating kami sa isang maliit na restaurant.
BINABASA MO ANG
She's Faithful
FanfictionWhat is faithfulness? For me? It's believing without a single proof. Staying without expecting any return. She's faithful. She loves unconditionally. She loves only one person despite of the trials and hardship. JELRI FANFICTION STORY